1 Replies

VIP Member

Hello. Observe niyo kung anong oras siya gising at anong oras siya usually inaantok. Baka po kasi ayaw niya pa matulog at nabobored siya kaya umiiyak. Ganon kasi sa baby ko dati, pinipilit ko matulog kasi sanay lang ako na lagi siyang tulog, yun pala nagbago na siya haha. Gising siya 8pm onwards. Kaya ginagawa ko ine-entertain ko siya. Karga, kantahan, kausapin, ilakad, isayaw, at nakakakita na siya ng konti nuon kaya nilalaro ko, shinishake ko sa harap niya yung rattle at sinusundan niya ng tingin. Hanggang sa mapagod at antukin. Pinakalate niyang tulog 1am. Pero pag dating ng 10 or 11 pm ina-antok na siya. Tapos mag early introduction na rin po kayo ng night and day. Dim light sa gabi kahit hindi pa inaantok, sa umaga hayaan siya matulog na medyo maliwanag. Para alam niya kapag gabi oras na ng mahabang tulog.

Welcome po

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles