Why do I feel this way?
Hello. Bakit kaya ganito nararamdaman ko sa tuwing pupunta kami ni baby sa mga parents in law ko para magbakasyon sakanila ng 1 week. Ang nararamdaman ko ngayon ay kaba na akala mo'y puputok na ang dibdib ko, hindi ako mapakali, hindi ako makapag concentrate sa ginagawa ko. 😓 pero lip ko kasi ang nagtatanong sakin kung pwede na dun nga daw muna sa darating na holy week. May kkwento ako sa inyo sa palagy ko dito ko nakuha yun. Kaya ganyan na ako pagdating sakanila. 😪 Nung kasalukuyang nagbubuntis ako hindi ko kasama ang lip ko, nasa bahay ako ng parents ko. Kung bakit wala ako sakanila ay dahil hindi po ako komportable sa bahay nila at suggest din ng magulang niya na mas okay daw na andito ako sa bahay namin dahil maalikabok sakanila at maliit lang ang bahay nila. Taga taytay ako at taga antipolo siya. Umuuwi lang siya tuwing weekend dahil daw mas malapit ang work niya dun sa bahay nila at para daw makaipon ang lip ko sabi ng parents niya. Hanggang sa 7 months na yung tummy ko sinuggest sakin ng parents ko na mas okay kung dito na sa amin umuwi ang lip ko since malaki na din yung tummy ko nun. At yung ipon niya nun ay okay na. So sinabi ko yun sa lip ko at kinausap din naman siya ng parents ko about dun. Okay naman daw sakanya. Ngayon napag usapan namin na pag uwi niya sa birthday ko eh dun na siya tutuloy samin. Oo nga po pala, nagwowork din po ako nung nagbubuntis ako. Mas malaki kasi ang sahod ko sakanya kaya pinilit ko parin magwork nun. Nagrerent ako sa compshop at dun ko ginagawa yung work ko dahil nasira ang laptop ko noon. Eto na nga birthday ko na, nagchat ang lip ko na ayaw siya payagan ng magulang niya umalis at nagagalit pa sila. Sinabi sakin ng lip ko lahat yung sinabi ng magulang niya. Bakit daw palagi ang magulang ko ang nasusunod. Wala pong hiniling ang magulang ko sakanila na kahit ano kundi ang magpakasal kami which is hindi naman nangyare dahil nakiusap ang lip ko na unahin nlang muna ang panganganak ko. Opo pumayag po ako kasi ayaw ko din magsabay sabay yung gastos. Nasaktan po ako sa sinabi nila, hindi para sakin kundi para sa magulang ko. Sumunod po eh inuunder ko daw po ang anak nila. Hindi ko alam kung saang parte ko inunder yung anak nila. Kasi hindi po ako mahigpit na gf or lip. Dapat daw po eh ako ang sumunod sa anak nila dahil babae po ako at lalake ang anak nila. Gusto po nila eh ako nlang daw ang tumira sakanila. Sa mga sinabi nila, lalo po akong nawalan ng gana na tumira sakanila. At wala po sa personality ko ang sumunod basta basta dahil may sarili po akong pag iisip. Alam ko din po kung saan ako mas mapapabuti nung mga panahong yon kaya mas pinili ko din pong sa nanay ko ako tumira. May mga sinabi pa sila na hindi ko alam pero sa twing naaalala ko nanginginig ako. Hiindi ko alam kung sakit o galit yung nararamdaman ko. Iyak ako ng iyak nung araw na yan. Hindi ko alam siguro napakasensitive ko nung nagbubuntis ako. Nakita pa ako ng mga kapatid ko. Sabi nila bday na bday ko nag iiyak ako. Hanggang compshop tumutulo ang luha ko kahit panay punas na ako. Tigas na tigas yung tiyan ko niyan. Sabi nila kapag nasasaktan ka, malungkot ka, galit ka, masaya ka eh nararamdaman din ng anak mo yun. Sobrang sorry ako ng sorry habang hinihimas ko yung tiyan ko. Kase pakiramdam ko hindi ko naprotektahan yung anak ko. Yung karapatan ng anak ko. Na hindi naman namin deserve yung at lalong hindi niya deserve na maramdaman yung nararamdaman ko noon.. Hanggang ngayon na tinatype ko to tumutulo yung luha ko at nasasaktan ako kapag naiisip ko yan. Kahit po ilang beses ko sabihin sa sarili kong kalimutan na yang mga pangyayaring yan, hindi ko makalimutan. Kaka 1 year old lang po ng baby ko noong January. Malayo po ang loob ng anak ko sakanila dahil na rin siguro hidni sila madalas nakikita. Dito pa rin ako sa parents ko nakatira. Hindi kami makabukod simula nung naglockdown. Nalockdown ang lip ko sa antipolo at ako sa taytay. Siguro nangyare na rin yun dahil gustung gusto niya sakanila kaya ganun nangyare. Para may marealize ang bawat isa sa amin. Breastfeed po pala ang baby ko at ngayon nakkwestyon ako ni FIL kung ano daw po ba pinapadede ko sa anak ko at ayaw humiwalay sakin. Malamang ako nanay niyan 😅 dapat daw eh ibote ko na para naman daw mahiram nila. 😅 Hindi ko po binote ang baby ko. BF pa rin kami until now. Ang haba na pala nito. Nagbawas lang ako ng kaba sa dibdib. Pasensya na. Erase ko din pag nagtagal. Salamat po. #advicepls #1stimemom #firstbaby