Sobrang stress

Bakit ganun mga mamsh . Gustong gusto ko makasama husband ko pero di ko sya nakakasama . 2 weeks na kameng di nagkikita kahit na nasa imus lang sya at bacoor lang ako . May motor naman sya para daanan ako pero di nya talaga magawa ? Sobrang miss ko na sya ?

6 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kung ako yan pupuntahan ko yan ng walang pasabe. Saken lang naman. Baka may tinatago..imposibleng busy lage kase pag gusto talaga pupunta yan. Hubby ko nga may work panggabe pa, puyat tas pagod tas sobrang layo nan ibabyahe, maglalakad pa ng malayo mapuntahan lang ako. E yan lapit lapit.

Bakit nman ganun? Impossibleng walang time. Kung gusto talaga maraming paraan. Ako nasa Manila, pero from bulacan pa siya at may motor. Nag eeffort talaga sya na puntahan ako. Kausapin mo nlang husband mo sis. Baka may problema lang. Wag masyado mastress isipin mo lang Baby mo.

Kung gusto ka niyan makita, pupuntahan at pupuntahan ka niya. Di naman siguro 24hrs yung trabaho niya para maging ganong kabusy siya diba?

Same tayo sis. Pasig ako sya nasa taguig lang at may kotse sya! Ni hindi ako mapuntahan dito!

Kahit busy yan Gagawa at gagawa ng paraan yan. :)

Talk to your husband para maintindihan ka niya

6y ago

Thanks for the advice mamsh pero lagi nya lang sinasabing busy sya :(