Hindi ko na alam 😭
Bakit ganon mga mii? Right at this moment I'm crying silently again. Lumabas muna ako kwarto at bahay. Masama bang hindi ko sya payagan maglaro ng ML? Hindi ko lang sya pinayagan, ayun natulog sya agad nang hindi na ako kinakausap. 😭 Ang bigat bigat na naman ng dibdib ko. Nang dahil lang sa ML pasasamain na naman nya loob ko. In the end hindi na naman ako makaktulog neto dahil nga di kami okay. 😭 Hindi ko na alam. Ayoko ma stress at umiyak dahil alam kong nararamdaman din ni baby sa tiyan ko yung nararamdaman ko. Pero kase ang sakit sa dibdib e. 😭😭😭

Nung bf ko lang si hubby, ganyan din ako. lalo na nung time na un pandemic. maliban sa LDR kami, syempre ung oras na magkausap kami sana, ipanglalaro pa nya ng ML. nastress din ako pero in the end, naintindihan ko din. ngayong magasawa na kami, hinahayaan ko lang sya. pero ngayon, pag na lang talaga may free time sya. basta nagagawa nya responsibilidad nya. alam mo ginawa ko mommy para di na lang ako mastress? naglaro na din ako haha. pero madalang. para kapag naglalaro sya, nakakarelate ako. ngayon kung magml sya nasa tabi ko sya. tapos nanonood ako sa kanya. kahit natatalo sila, sasabihin ko magaling sya. way din kasi nila yun to cope up with their stress. basta habilin ko lang na paglabas ni baby, yung list of priority nya, magiiba na naman. maliban sa relasyon namin magasawa, madadagdag na sa top tier list nya yung baby namin. maybe you are feeling that way because now more than ever, you need his attention lalo ngayong buntis ka. ok lang yun mommy. your emotions are valid. di ein kasi tama na iignore ka nya just because of this. pero try to meet halfway. you need to work together para magkaintindihan kayo.
Magbasa pa