Hindi ko na alam ๐Ÿ˜ญ

Bakit ganon mga mii? Right at this moment I'm crying silently again. Lumabas muna ako kwarto at bahay. Masama bang hindi ko sya payagan maglaro ng ML? Hindi ko lang sya pinayagan, ayun natulog sya agad nang hindi na ako kinakausap. ๐Ÿ˜ญ Ang bigat bigat na naman ng dibdib ko. Nang dahil lang sa ML pasasamain na naman nya loob ko. In the end hindi na naman ako makaktulog neto dahil nga di kami okay. ๐Ÿ˜ญ Hindi ko na alam. Ayoko ma stress at umiyak dahil alam kong nararamdaman din ni baby sa tiyan ko yung nararamdaman ko. Pero kase ang sakit sa dibdib e. ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Nung bf ko lang si hubby, ganyan din ako. lalo na nung time na un pandemic. maliban sa LDR kami, syempre ung oras na magkausap kami sana, ipanglalaro pa nya ng ML. nastress din ako pero in the end, naintindihan ko din. ngayong magasawa na kami, hinahayaan ko lang sya. pero ngayon, pag na lang talaga may free time sya. basta nagagawa nya responsibilidad nya. alam mo ginawa ko mommy para di na lang ako mastress? naglaro na din ako haha. pero madalang. para kapag naglalaro sya, nakakarelate ako. ngayon kung magml sya nasa tabi ko sya. tapos nanonood ako sa kanya. kahit natatalo sila, sasabihin ko magaling sya. way din kasi nila yun to cope up with their stress. basta habilin ko lang na paglabas ni baby, yung list of priority nya, magiiba na naman. maliban sa relasyon namin magasawa, madadagdag na sa top tier list nya yung baby namin. maybe you are feeling that way because now more than ever, you need his attention lalo ngayong buntis ka. ok lang yun mommy. your emotions are valid. di ein kasi tama na iignore ka nya just because of this. pero try to meet halfway. you need to work together para magkaintindihan kayo.

Magbasa pa
2y ago

yes mii, i know naman na stress reliever din nya yun pero mas nastress yata sya pag naglalaro kasi nga pag natatalo sya. haha, noon mii sabay naman kami naglalaro kaso nagsawa ako sa laro dahil nga minsan nakaka stress din talaga ๐Ÿคฃ hay ewan ko na nga ba. naiintindihan ko sya pero naiistress din ako ๐Ÿ˜‚

naki mi kung di chicks ang kalaba ntin online games mas better un kesa mau kabit o kalandian, hayaan mo lang stress reliver nya din yan. Ung asawa ko noon unh clash of clans ba un tyka pokemon ang kinaadikan abay kahit nsa mall kme nanghuhuli ng pokemon ๐Ÿ˜ inaway ko din un noon kse napupuyat tlga sya pero katagalan ako na ang nasanay haha hinayaan ko na basta pirme sa bahay okay lang ngaun e PS4 naman ang kinaaadikan hahaha mejo naiinis ako kase kapag un nglalaro wala tlga akong makausap preggy ako e dadalwa kame sa bahau so nasanay na din ako ๐Ÿคฃ bilang supportive wife ako pa bmbli ng games ng ps4 nya ang mahal pero happy naman sya..good provider naman si husband ako e mejo maliit ang sweldo ko compare sa knya..kaya hinhayaan ko lang pero ang png aawayan tlga namen kapag di ko sya mautusan magkuskos ng cr at mag laba ng basahan hahaha di kase makayuko e uknow preggy kaya sya ang inuutusan ko kapag kinalimutan nya yon ay tlga galit na galit ako ๐Ÿ˜

Magbasa pa

Kalma lang mommy๐Ÿ˜… been there, done that.. Minsan ko na napagbawalan si mister ko maglaro (hindi ML) at pinag aawayan din namin.. In the end pinayagan ko na mas nakakastress pag pinag aawayan pa.. Outlet nila yun e stress din sila lalo na sa trabaho.. Kausapin mo nalang maigi dapat may time pa rin kayo sa isat isa dapat alam niya priorities.. Syempre lahat ng sobra hindi na tama.. Si mister ko nagwowork from home pag inaantok siya naglalaro siya pero napaka efficient niya sa work. Parang pampagising lang nya yun laro niya kaya hinahayaan ko nalang ๐Ÿ˜„ ako nga hinahayaan niya mag checkout ng checkout sa shopee e hehe.. Ok na maglaro sila kaysa mambabaeโœŒ๏ธ Wag ka na pakastress focus ka mii sa pinagbubuntis mo tandaan lahat ng nararamdaman mo nararamdaman din ni baby.

Magbasa pa
2y ago

Yun nga mi iba kasi ang laro ng mister ko dati pa nga crypto games pa di ko siya pinagbabawalan kasi kumikita siya sabi ko push nya yon๐Ÿ˜† anyway mahirap nga sa sitwasyon mo ewan ko dyan sa ML na yan buti hindi kami naglalaro nyan ni hubby.. Sabi nga ng iba kung ayaw tumgil sabayan nalang๐Ÿ˜… kaya minsan mag asawa naglalaro ng ganyan e. D ko sinabi itolerate mo mas mabuti pag usapan niyo yan dapat alam niya priorities niya kasi pamilyado na siya

libangan lang yan.. sabayan mo nalang maglaro.. gaya ko hinahayaan ko lang mag cod dahil alam kong pagod sa work tinatawagan pa nga ko lumapit para lang manood sakanyan at yabangan ako pano sya manalo sa laro.. minsan sinusubuan ko pa sya ng snacks.. may certain time lang sya mag play sya na din nag sasawa.. don't make things complicated.. as a wife isipin mo din asawa mo.

Magbasa pa

as long as hindi naman nangbababae hayaan nyo nalang kasi maglibang ang lalaki.. subok ko na yan partner ko di ko pinaggogolf minsan wala den away lang edi mas mabuting araw araw nalang sya mag golf para tahimik ang bahay free ako at si baby... di pako naiistress....

depende kasi yan if game addiction dun ka magalit. Kung nagagwa naman nya lahat ng responsibility nya like gawaing bahay,good provider at paerner ok lang magML basta nasa lugar. Pero hnd nya nagagawa ung dpt nyang gawin dun ka magalit.

sakin mommy hinayaan ko maglaro kasi alam ko yun Lang ang libangan nya after work hanggang sa diko na namalayan inaabot na nga ng madaling araw kaka-laro to the point na nakahanap narin ng kalandian sa ML sad diba ganyan tlaga sila

Buti nga po nagpaalam sa iyo. Hubby ko rin naglalaro eh 8 to 10 pm. Matik na un. Pero okay lang as long aa di nya ko pinabayaan lalo na pag may needs ako. Need din nila ng ME TIME.

My mga bagay kasi minsan na tayo gumagawa ng ikakastress naten. Tulad ng maliliit na bagay, ang ginagawa naten papalakihin, gagawin naten away.

Boys will always be boys. Hehehe. Ganun talaga mii, karamihan sa mga lalaki ganyan. Wala na tayong magagawa dyan. Wag pastress. Kausapin mo na lang.

2y ago

hay nako mii. naiintindihan ko naman na need din nya time para maglibang, pero diba sakin nalang sana sya maglibang hehe. charizz. pero ayun nga sinabi ko naman din sakanya nun na, okay lang sana pasamain nya loob ko kung ako lang. kung hindi ako buntis. pero hindi e, damay nga yung baby pag na stress ako diba. kaso wala naman pagbabago. i don't know. maybe diko pa talaga sya ganun kakilala..

Related Articles