Marami ka bang binili na damit for baby?

1442 responses

Wala talaga akong biniling damit ni baby dahil napakaraming binigay sakin na baru-baruan, onesies, lampin, mittens, diapers, at kung ano-ano pa. Pati crib at walker, may nakaabang na. Im really blessed dahil di ko na kinailangan bumili pa knowing na limited talaga budget namin sa panganganak ko. 😍
8th months now, ready na sa gamit. Phil. health na lang pinoproblema 😢 2020 pa kasi last hulog ko kaso need daw bayaran lahat ng gap, mauubos kaunting ipon namin para sa panganganak ko kung babayaran ko lahat ng gap 😭
6mos preggy but i still havent buy anything, di p po kasi sure ang gender ni baby and honestly di ko po alam mga needs and dpat tlga bilin .. anyone who can give me checklist po, yung tlgang needs and gamit n gamit 😊
For you naman po mommy, need mo ng bedpads,adult diaper, pajama, medyas, damit,panty, betadine para sa sugat, panali sa buhok, at mga requirements nyo ni baby,like pangalan nya at mga documents na needed ng hospital
Yes kunti lang po, 6pcs lang baru baruan at 6pcs din pajama. At yung ibang needs,, kasi ultrasound ko Di sure pero sabi babae daw 😩😅
Oo meron na kong pang newborn all white 🤣 ganun lng muna. Baka mabago pa e. Mahirap na
Konti lang since nabigyan na ng baru-baruan at onting onesie. Mga basic needs tuloy ang madami nabili like diaper, wipes and detergents
May mga pinagliitan naman yung panganay ko kaya yun na lang. Bumili lang ako mga towels at ibang wala pa, kasi boy panganay ko.
puro bigay lng po para makatipid n din po, paglabas na lng ni baby saka kami babawi at bibili ng mga bagong damit nya
mayroon na mga gamit at damit, yong gagamitin lng niya pang 0-3months po. kasi mabilis lumaki ang baby.
6 sets na baru-baruan lang. Maya na ako bili paglabas ni baby. di ko pa tantya size nya e
Konti lng kasi madaming binigay ng kapatid ko at hipag ko na damit ng newborn