96 Replies
BREASTFEEDING MYTHS AND FACTS ♧ BAWAL UMINOM NG MALAMIG, MALIGO NG MALAMIG, MALIGO SA GABI, MAHAMUGAN, MAULANAN KAPAG NAGPAPASUSO. BAWAL DIN MAGPASUSO KAPAG BAGONG LIGO O KUNG KATATAPOS LANG MAGLABA ▪ Hindi masususo ni baby ang lamig kaya okay lang yan ♧ BAWAL MAGPASUSO KAPAG GUTOM O PAGOD ▪ Pwedeng magpasuso kahit gutom o pagod. Hindi nasususo ang gutom at pagod. Pero syempre kailangan maging malusog ni mommy para healthy siya. ♧ BAWAL KUMAIN NG MAANGHANG, MAASIM, MATAMIS, MAALAT ▪ Pwedeng kainin ang mga yan. Huwag lang sosobra dahil baka magkasakit ka. ♧ BAWAL KUMAIN NG MALANSA ▪ In general, pwede yan. Maliban nalang kung may history ng allergy sa pamilya o may kakaibang reaksyon kay baby. ♧ BAWAL UMINOM NG KAPE AT ALAK ▪ Pwede yan basta in moderation. Huwag magpapakalasing dahil baka hindi maalagaan si baby. ♧ BAWAL MAGPA-REBOND AT HAIR COLOR ▪ Pwedeng magpaganda mga mommy. Iwasan lang ang treatment na may formaldehyde na sangkap dahil masama ito para kay baby. Mag iwan ng gatas para kay baby at huwag na siyang isama sa salon. ♧ BAWAL MAGPASUSO KAPAG MAY SAKIT ANG MOMMY ▪ Mas magandang magpasuso kapag may sakit ka para makuha ni baby ang antibodies. In that way, maiiwasan na mahawa siya o kung mahawa man, mabilis siyang gagaling. Kung may sipon at ubo ka, maghugas ng kamay ng mas madalas, magsuot ng mask, at iwasan ang face to face interaction kay baby. ♧ BAWAL MAGPABUNOT NG NGIPIN ▪Pwedeng magpabunot ng ngipin. Compatible naman sa breastfeeding yung karamihan sa mga gamot. Para makasiguro, i-check sa e-lactancia.org ang generic name ng gamot. ♧ BAWAL MAGPASUSO KAPAG NANINIGARILYO ▪ Masama ang paninigarilyo nagpapasuso ka man o hindi. Hangga't maaari iwasang manigarilyo dahil delikado ito sa kalusugan mo, sa anak mo, at sa ibang tao. Pero kung papipiliin, mas mainam na magpasuso ang naninigarilyo kaysa mag offer ng formula. Nakakahina din ng milk supply ang paninigarilyo. ♧ ANG ISANG SUSO AY TUBIG, ANG KABILA AY KANIN ▪ Walang ganun dahil pareho lang ang nutritional content ng bawat suso. May tinatawag lang na FOREMILK (mas malabnaw na unang lumalabas kada sumuso si baby) at HINDMILK (mas malapot na lumalabas habang tumatagal sa pagsuso si baby). ♧ NAWAWALAN NG SUSTANSIYA ANG GATAS NG INA ▪ Kahit anong kainin, kahit anong inumin, kahit anong gawin, hindi mawawalan ng sustansiya ang gatas ng ina. ALAM NAMIN NA PAULIT ULIT NA KAMI SA PAGPOPOST AT PAGPAPA-ALALA NITO. PAULIT ULIT DIN PO KASI ANG TANONG 😂😂😂✌✌✌ ILALAGAY PO NAMIN ANG LINK NITO SA PINNED POST FOR FUTURE REFERENCES. LET'S MAKE READING A HABIT 😊🤗 Written by: Breastfeeding Nanay Blogger
BAKIT PAYAT ANG ANAK KO? Ni Dr. Willie Ong Para sa mga magulang, ang mga anak natin ay may panahon na walang ganang kumain. Ayon sa mga pediatricians, ang edad 2 hanggang 5 ay mga taon na pihikan kumain ang bata. Pag-tungtong sa edad 5 ay gagana na sila kumain. Alam n’yo ba na ang peanut butter at full cream milk ay ginagamit na lunas sa mga malnourished na bata sa Africa? Masustansya ito. Sa pagbili ng pagkain, hanapin ang may tatak na “Sangkap Pinoy” “fortified foods” at “vitamin-enriched.” Tingnan din natin ang inyong lahi. Kung ang mga magulang ng bata ay payat, puwedeng namana niya ito. Kung ang magulang naman ay mataba, siguradong matataba din ang mga anak. Mana mana po iyan. Isa pa ring dahilan ng pagkapayat ay ang bulate sa tiyan? Madalas ba sumakit ang tiyan ng bata o dili kaya ay dumumi na siya na may kasamang bulate? Alam n’yo ba na 5 sa 10 Pilipino ay may bulate sa tiyan! Grabe talaga ang problemang ito. Ang gagawin ng doktor ay ipapa-check and dumi sa laboratoryo. Kung positibo, papainumin ng pampapurga. Para makaiwas sa bulate, ugaliing maghugas maigi ng kamay bago at pagkatapos kumain. Gupitan ng maikli ang kuko ng bata. Hugasan din mabuti ang mga pagkaing hilaw, lalo na ang gulay at prutas para di magkabulate. Ano ba ang mabilis magpataba? Siyempre, mataas sa calories ang ice cream, cake, icing, gatas at chocolate. Sa mga kantina, hinihikayat na magtinda ng masustansyang puto, bibingka at suman para tumaba ang mga bata. Isa pa, huwag hayaang kumain ng junk foods o sitsirya ang bata. Maganda ding isama ang anak sa hapag kainan para masanay kumain. Paano naman ang mga sinasabing tabletang pampagana? Alam n’yo, maraming pediatricians ang hindi naniniwala sa mga pampaganang gamot. Ngunit, kung gusto ng bitamina para sa payat na bata, puwede naman. Ang vitamin B complex ay nakapagpapagana sa ating pagkain, bata man o matanda. Ito ang tinatawag na anti-stress vitamin. At huli sa lahat, huwag kalimutan ang mga bakuna ng ating anak. Ito po ay hindi dagdag gastos lamang, kundi isang mabisang proteksyon sa pagkakasakit.
Same po tayo mommy sinasabihan na malnourish raw baby ko ksi Ndi sya mataba katamtaman Lang talaga Mag 5 months na sya ngyon 6 kg na sya sabi ng pedia nya mana raw sa daddy ndi nataba ksi Parehas sila ng blood type at talagang Ndi kaano nataba asawa ko Khit na kaya nya ubusin ang Isang kaldero ng kanin😅 wag mu na Lang sila pansinin mommy ganyan din q nung 1 month plang baby q Kung ano Ano sinasabi nila kaya nastress Ako panay Ako Iyak sabi ng asawa ko wag ko silang intindihin dhil Ndi nmn sila yung nagpapakain sa amin magasawa kaya wag sila mangialam
Ganyan din nun una, ung byanan ko sinasabihan din ako ng ganyan. Ka inbyerna kaya.. daminh hanash. Pero wag mo intindihin sila. Pano gusto nila pag formulahin ko para magawakan nila ng matagal. Kakaloka db? Unli latch mo lang. Orasan mo. Download ka ng app ung Glow Baby. Inom ka water.. before, during, after padede Milo minsan Gatorade.. Kain sabaw na may gulay like malunggay, carrots, petchay, bokchoy Kain ka din fruits.. like waternelon.. And pray lagi.. Wag mo intindihin sinasabi nila.. dami nila alam e. Cum Laude ba? 😂
wag po mastress... kung ok naman po yung milk nyo at hindi kinukulang si baby.. pasok sa kabilang tenga,labas sa kabila momsh😉 .. dedmahin ang mga sabi sabi, makaka apekto rin kasi yan sayu at sa baby kung masyado ka na po stress.. sa mga bagong panganak po talaga na nanay,mabilis po kumapit ang stress hindi naman po siguro sakitin si baby?hindi iyakin?baka hindi lang po talaga sya tabain na bata, yung ganun.. ay, wag na po pala kayu gumamit ng bigkis mommy..hindi po masama kay baby yun,kaya ok lang tanggalan nyo na bigkis😉
pag pure breastmilk pi talaga. normal lang na hinde mataba ang anak unlike sa naka bote. yan po ang sabi ng doc. pero healthy naman c baby.. mas healthy po ang brestmilk kesa sa formula.. mabigat na din po yang 3.8 sa edad ng anak nyo.. ako nga po. 3.5 lng baby q nong 2 months sya. wag po kayo paapekto sa sabi sabi ng mga taong walang magawa.. ang importante naaalagaan po natin ng maayus mga anak natin...
Mommy okay lang yan, may mga baby po talaga na kahit anong dede ay hindi tabain saka po 1month palang naman siya. At better din po eat ng food na pampagatas at masasabaw para mas madami pa milk 😊 wag po magpaapekto sa sinasabi ng iba negative tungkol sa baby mo mommy, better po na dalhin nyo sya sa pedia nya kung may mga katanungan po kayo or sa health center. 💛
huwag mo ikukumpara lagi sarili mo sa kanila intindihin mo yung ikakabuti ninyo dalawa ni baby . tsaka hindi porket hindi tabain si baby malnourish na may iba baby lang tlga hindi tabain pero malusog meron din tabain pero sakitin naman kaya wag mo istress sarili mo sis wala mangyayari sayo kung lagi negative nasa isip mo
Sila kamo magpabreastfeed sa anak mo. Mas maganda pa rin breastfeed kay baby. Kasi yung nutrients ay akma para sa kanya. Less waste ika nga. Plus yung mga antibodies na di kaya iprovide ng formula milk. Pagpatuloy mo lang yang BF hanggat kaya mo. Wag mo intindihin sasabihin ng iba. Kasi ang dali dali lang manghusga.
Ok lang yan momy. Kids ko maliliit din nung nilabas ko, ung baby ko ngayon nung nag 6 mos nasa 6 kilos pa lang. Nilabas ko siya at 2.5 kilos maliit talaga. Pero mahaba kasi siya. Madami din nagsasabi payat, pero ok lang basta di sakitin, pure bf po kami til now. Tuloy mo lang breastfeeding kay baby ❤️❤️❤️