DSWD BAKIT?
So ayun, lumabas na yung listahan ng mga mabibigyan ng ayuda ng DSWD sa lugar namin. Ang sakit lang sa loob, yung naaprubahan sa amin may mga kaya. Yung isa pensioner (di dapat kasama kasi may buwan buwang natatanggap), yung isa may tindahan (di dapat kasama kasi may source of income pa rin kahit papaano), yung isa naman may kaya din, tuloy pa rin ang sahod kasi tiyuhin nya may ari nung pinagtatrabahuhan nya. Ang sakit lang sa loob, medyo umasa kami kasi lactating mom ako, dalawa anak namin tapos walang trabaho asawa ko (no work no pay). Pero mas naawa ako sa kapitbahay namin, may sakit na lupus hindi naaprubahan ?. Sana matapos na ito, para makapagtrabaho na kami ng asawa ko. Ayoko na umasa sa bulok na gobyerno na walang ibang pinapaboran kung hindi yung mas nakakalamang sa buhay.