Sama Ng Loob

Hello po mga momsh, gusto ko lang po mag share ng sama ng loob kasi parang sasabog na dibdib ko. Ayoko po kimkimin kasi baka makasama kay baby, mag ssix months na po akong buntis. Nag-away po kasi kami ng asawa ko. Mababaw lang po yung rason mismo pero parang naging mas malalim dahil sa mga nasabi niya. Dati po kasi kami nag tatrabaho sa ibang bansa parehas tapos yung panganay namin nandito sa Pilipinas kasama yung mama ko. Pero ngayon po nandito na kami parehas kasama ng anak namin. Yun nga lang po parehas kami walang trabaho ngayon. Wala naman po kaming problema sa finances namin kasi may pang-gastos naman po kami. Pero sobrang nakikita ko po na parang bagot na bagot siya dito sa bahay dahil nga wala pa siyang mahanap na trabaho. Tapos kanina nung nag away kami sinabi niya sakin na parang nasira buhay niya dahil saakin. Madami din po kasi sana siya trabaho sa ibang bansa pero dito siya nag stay dahil saamin na pamilya niya. Parang nangliliit yung pakiramdam ko mga momsh. Ang sakit sakit wala naman akong mapag sabihan kahit mga kaibigan ko kasi kilala siya eh ayoko naman sumama yung tingin nila sa kanya. Gusto ko lang po mag share. Salamat po sa mga may mga ma aadvice sakin.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Frustrated lang po siguro siya. Try to understand him nalang po. And dont take it personally. Galit lang po siguro siya nung nasabi niya yun pero hindi naman niya mean. Iwas stress nalang po para kay baby.