Paano magbati pagkatapos mag-away?

Moms! Paano kayo nagbabati ni mister pagkatapos mag-away?

Paano magbati pagkatapos mag-away?
96 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

dipende sa sitwasyon ng pagaawayan... minsan di ko sya papansinin 3 days yun kahit anong lambing nya wala talaga. pero pag napatawa na nya ako ayun bati na kami... pero minsan kapag nakita na nya akong umiiyak susuyuin na agad ako. yayakapin tapos walang tigil sa kakasorry tapos paulit ulit akong ikikiss hanggang sa magbati na kami. πŸ˜‚πŸ˜‚

Magbasa pa

"Galit ka? Naiinis? Nagtatampo?" Yan ang palaging unang tanong pag nag aaway kami, madalas sya yung nauunang magtanong sakin. Pag nasagot na yung unang tanong tsaka na kami magsisimulang mag usap ng maayos explaining and listening each other's side, hihingi ng sorry sa isa't-isa tsaka magha-hug/kiss tas ayun okay na kami. 😊

Magbasa pa

bakit un kahit anong away ko parang wala dinededma ako kahit anong galit ko d nia tlaga ineentertain. kundi bobolahin or uutuin ako ibang topic or kahit ano madivert attention ko tas macarried away na ko later on maalala ko teka nagagalit nga pala ako aaa.

VIP Member

usually si mister sumusuyo tapos ako naman narerealize kong childish yung pinagawayan namin at medyo marupok hehehe at the same time sinasabi ko diretso sa kanya kung ano ang naging problema saka sya nagpapaliwanag. ayun nagkakaintidihan na kami pagkatapos

after Kasi namin mag away , Hindi na kami nag papansinan ! pero sya unang pumapansin sakin ! as long as kaya ko syang tiisin na Hindi pansinin , Wala talaga syang mapapala sakin πŸ˜… pero once na napatawa na nya ako ! Ayon πŸ˜… hahaha okay na kami ❀️

Payo NG TITA ko Babae magdadala sa relasyon ❀️ Pero Maganda pa din ang give and take 😍 So Para di masyado serious ang sagot ko. Maglandian na agad after magaway, tayo na't magpaLaway πŸ€€πŸ˜„πŸ˜„πŸ˜„ Happy Happy JOY Joy Pandemic pa oy!

Magbasa pa
VIP Member

minsan kusa nalang kami nag uusap ulit. tapus bati na.πŸ˜‚πŸ˜‚ ewan. basta ganun lagi. minsan may point na Hiwalayan na kuno mayamaya pagkalmado na nag uusap na kami. πŸ˜‚ Baliw na ata kaming dalawaπŸ˜‚πŸ˜‚

Pag simpli lang mag uusap lang kami ng change topic tas mamaya pag ok na pag uusapan na namin pabiro bat tinopak ung isa πŸ˜‚ pag mejo mabigat lalambingin hanggan sa kausapin na

VIP Member

ako lang naman nang-aaway. di ako nadadaan sa panunuyo. usually 1 o 2 days di ko iniimik then pag nawala na inis ko matic kakausapin ko na siya tas bati na kami πŸ˜‚

Wala bigla nalang kami mag uusap tapos ayun bati na agad .basta after ng pagtatalo tatahimik muna then mag uusap okay na kami then magsorry na kami sa isa't isa .