Sana may sumagot

Nung buntis po ba kayo nag aaway ba kayo ng asawa nyo? At kung mag away man kayo pinapatulan kaba nya???#firstbaby #1stimemom #theasianparentph

41 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Ndi nman sa away tampuhan pero aq lagi nagtatampo. I blame my pregnancy hormones hehe. Ndi nman aq pinapatulan ni hubby, he is so patient with me. Bumabawi nman aq sa kanya kapag okey pakiramdam ko. Like pinagtitimpla ko siya ng kape, pinagluluto ng simple meals. Siya na kc nagluluto, naglalaba, naghuhugas ng plato. Tamad kc aq na buntis. Bihira ung time na masigla aq gumawa ng gawaing bahay 😊😊😊.

Magbasa pa

nag aaway din. nag uusap Kmi iniiwasan mag sigawan. yes pinapatulan Niya ko. nag sasabi din siya Ng saloobin. pero pag mataas p emotions ko d ako nag sasalita. tinatantya ko rin Kung maiintindihan Niya ko pag sumagot ako agad or palipas muna pag d n mataas emotions nmin. sarili ko lng din macocontrol ko Kaya iniiwasan ko mkpag sabayan ng inis

Magbasa pa

Nag aaway kami madalas ng partner ko kasi mabilis talaga uminit ulo ko. Pero di niya ko pinapatulan. Magagalit siya oo, pero hindi yunt masasaktan ako ng pisikal. Ewan ba, bwisit na bwisit talaga ko pag nakikita ko sya pero pag nasa trabaho na siya nag iiyak naman ako kasi namimiss ko siya hahahaha

Nung nabuntis ako once lang kami nagkasagutan first trimester pa. Pero sobrang iyak ko nun nasabi ko lahat ng gusto ko at kung paano ako nahihirapan magbuntis. Pagkatapos nun maagap na siya di niya na hinahayaan magalit ako. Pero bigla pa rin ako umiiyak pag tinopak. hahaha

VIP Member

Swerte ako sa LIP ko kasi mas humaba pasensya niya sa akin nung nagbubuntis ako. Ako naman, very short tempered at prone to overreaction. I had to learn to pick my battles. Nagkaroon kami ng mga maliit na tampuhan pero we makr sure na magkaayos pa rin kami within 24 hours.

ang sarap lang magbasa ng mga sagot na di sila pinapatulan ng partner nila or hinahayaan nalang while preggy sila tapos di din hinahanaan ng kahit na anong amba . HAHAHAHAHAHA wala lang nakakatuwa na nakakainggit diko alam bat ako naiiyak di lang siguro ako makarelate.

mas naging mahaba ang pasensya ng partner ko simula ng magbuntis ako... pang aasar lang ang ginagawa nya ung tipong kukunin ung pinagkaka abalahan ko, aabalahin ako sa paglilinis ganon... pero ung away na as in away hnd naman kahit hanggang ngayon nakapanganak na ako .

nagkakaroon lang ng discussion pero di todo todong away. hindi rin kasi ako pumapatol kahit na nakakainis din sya kasi iniisip ko si baby. buti nalang mahinahon lang sya makipag usap and nagsosorry naman sya kaagad. 😊 communication is the key, sabi nga nila hehe

minsan lgi akong nagagalit sa kanya kahit sa maliit na bagay Peru d nya ako pinatulan kapag galit ako sa kanya nilalambing Niya Lang ako at ngsosorry hahaha parang ngayon Lang Yun na preggy ako dati pag Mali ko Mali ko tlaga ngayon ngbago na hahahahaha πŸ˜…πŸ˜…

Nag aaway kami pag thru chat lang pero pag magkasama na kami hindi na kami nag aaway, love love na lang. Kasi minsan lang sya umuwe kaya di na kami nag aaway pag magkasama kami. Pero oag nag aaway naman kami sa chat maya maya okay na din naman. 😊😊🀰