ANONG PWEDENG GAWIN KAPAG NAGAGALIT ANG ASAWA SA TUWING SINASABI MO SA KANYA NA BUMUKOD NA?😭😭😭😭

Ask kolang po kung ako lang ba yung feeling na hindi ka belong sa pamilya ng asawa mo tapos di kayo nag papansinan ni sa pagkain dika mayaya tapos kapag kinakausap mo naman asawa mo na mag bukod na nagagalit pa sayo, kase simula nung nung dito ako tumira sa byenan ko nung una mabait sila sakin alam mo yung feeling na nahihiya ka kumain kahit matagal kana nakatira dito tapos nahihiya ka kumilos kase baka anong sabihin tapos pag nakatalikod kapa pinagchichismisan ka ng mga anak nyang babae kasama sya naiiyak nalang ako kase ganun yung trato nila pag may trabaho naman asawa ko ang babait nila alam mo yung gusto mo nalang na sabihin nila sayo ng harapan para malaman mo kung anong problema pero ichichismis nila sa ibang tao, Alam ko naman na sila yung naggastos nung nanganak ako kase nga yung anak nila walang trabaho nun pati gamit ng anak ko byenan ko yung gumastos gusto ko na talaga umalis dito sa bahay ng byenan ko kase feeling ko ibang tao kame e pati nga ng asawa ko para ibang tao alam yung yung feeling na may galawin kalang ichichismis pero lahat naman ng gamit dito tinatago pati mga grocery ni hindi nga namen pinapakealaman e ANO BA PWEDENG GAWIN MGA MOMMY GUSTO KO NALANG TUMIRA MUNA SA MAGULANG KO TAPOS MAG IPON KAME PARA MAKABUKOD KASE DOON FEELING KO MAS MAMAHALIN PAKO NG MGAA MAGULANG KO SA BAHAY LALO NA NGA ANAK KO SA TUWING SASABIHIN KO SA ASAWA KO AYAW NYANG PUMAYAG,😭

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Pesteng lalake sensya na mommy ha nakakainit ng ulo eh. Binasa ko post mo uminit talaga ulo ko🤦‍♀️ aaasa asawa siya aasa naman sa family niya. Di ba dapat ikaw na ang reyna niya? Kayo na dapat ng anak niyo ang priority niya? Hindi siya magaling na provider bilang asawa jusme iwanan mo na yan mii.. Umuwi ka na senyo kung saan alam mo mahal ka. Dun na siya sa magulang niya. Aaasa asawa hindi magpaka lalaki bahag ang buntot wala paninindigan

Magbasa pa
3y ago

Hugs momshiee kakasad yan minahal mong lalaki🤦‍♀️ pero love yourself din ha.. Toxic kasama ng ganyan di mawalay sa magulang feeling elementary🤦‍♀️🤦‍♀️🤦‍♀️ Minsan unahin mo din sarili mo.. Kapakanan niyo ng anak mo.. Umalis ka na sa bahay na yan mi. Uwi ka na sa inyo😥 dun maaalagaan kayo at alam mo mahal kayo ng pamilya mo. Ngayon kung mahal ka talaga ng asawa mo hahabulin kayo nyan