35 weeks and 3 days

Ask ko po kung okay lang na kahit 36 weeks manganak? Since nung kinapa po kanina nasa baba na daw yung ulo niya po.

9 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Considered pa po as preterm o hindi pa kumpleto ang pagbubuntis at 35 weeks. Pwedeng maging malusog si baby pero pwedeng magkaroon din ng complications. Mas mainam kung kumonsulta po kayo sa inyong OB-GYN o healthcare provider para sa tamang advice. Mahalaga na alamin muna ang status nyo ni baby para sure na sure ang safety. 37weeks po ang kinoconsider na full-term, pero by that time, di pa din mature ang lungs ni baby. I gave birth at 37weeks sa 1st baby ko, a week after, nagkaroon sya ng neonatal pneumonia. Though healthy naman sya ngayon. :)

Magbasa pa