Cervix cancer or PCOS?

Hello, ask ko langbago ako pumunta ob for other opinion na din. Ako yung nag tanong sainyo na 4 days nakong nilalabasan ng brown discharge. And sadly meron oa din po hanggang ngayun 11 days napo akong nag kakaroon ng Spotting na Brown to dark brown to reddish discharge. Aaminin ko po Feb 6 may nangyare samin and Feb 7 ng gabi 10pm nag inom po ako lady pills (Forst time ko po gumamit ng pills) and Feb 8 10am uminom po ulit ako and hindi ko napo tinuloy bali naka dalawang tablets lang ako. Then feb 15 po hindi ko alam if nag ovulate ako dahil may lumabas na egg white katunayan na fertile ako. But Feb 17 morning nag ka brown discharge po ako. Then tuloy tuloy napo hanggang ngayun. Gusto ko lang po ng sagot. Other opinion bago ako pumuntang OB or center bukas. Lahat naman po kase ng pt ko is negative po. Kahit delay napo ako. Negative pa din po. Every morning ko ginagawa yun. Yung pt ko po and ung discharge na nasa pic is kahapin po. Please respect me po. Gusto ko lang other opinion wag po sana ninyo ako ibash kung paulut ulit ako. Gusto ko kang po ng karamay if may samw case po ba ako dito. Usap naman po tayo🥲

Cervix cancer or PCOS?
25 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Kapag nagtake ng pills talaga tapos tinigil eh di magloloko talaga hormones mo, I think magkaka period ka, base sa latest comment ng picture mo, menstruation na yung lumabas sayo. It seems to me na hindi ka pa handa, kaya nagtake ka ng pills siguro dahil ayaw mo mabuntis, but natakot ka dahil di ka sure sa effects nito kaya tinigil mo. Napansin ko din you put Cervix Cancer/PCOS as title ng tanong mo, dahil sa negative na nasa isip mo dahil you took pills without OBs knowledge nag se-self medicate ka, kasi hindi ka kapa handa. Ngayon na may regla ka na, wag mo na sana ulitin yung pakikipag sex kong ayaw mo pa mabuntis, pills can do harm to your body kapag nagtake ng walang consultation sa OB kasi its for hormones, magloloko talaga ang hormones kong ginagalaw mo in improper way.

Magbasa pa
1y ago

Salamat po ma'am.

7th day ng period ko akala tapos na like no spotting na talaga malinis na napkin ko so akala ko tapos na period ko. then kinabukasan nag do kami ni hubby. may discharge ako pagka gising ko for 2 to 3 days cguro yun (i am also taking pills, 1st pill on the 1st day of period). nag stop din namam ang discharge and realized na baka hindi pa pala talaga tapos yung period ko na trigger na lumabas yung mga tira2 after namin mag do ni hubby 😅 but if hindi ka naman nagkaperiod before kayo nag do but may discharge ka better consult ur OB. ❤️

Magbasa pa
1y ago

normal lang naman yan. mas mabuti nga lumabas ang mga buo buo na dugo kasi yan ang may tendency maging mayoma.

Pacheck up sa OB at wag mo na ulitin yung ginawa mong pag inom ng pills ng walang consultation sa OB or sa health center. Na mention mo before na nag aaral ka pa. Yun na muna unahin mo. Baka pag umigi na naman yang period mo eh umulit ka na naman tapos matatakot ka na naman. Kasi alam mo pag di pa talaga handa mabuntis kahit ilang contraceptive ang gamitin mo mag ooverthink at mag ooverthink ka at di yun makakabuti sayo. Payo lang yan sayo. Mag aral ka na lang muna.

Magbasa pa

Better to consult an OBGYN, ang mga early sign ng Cervical cancer is Fishy Smelly na blood discharge saka heavy menstrual discharge. OBGYN ang pinaka the best na tanungin mo diyan kasi magpapagawa yan ng mga lab test to determine pati ultrasound, papsmear mga ganun. Saka iba iba ang katawan ng tao iba iba din ang lalabas na symptoms. Huwag kang mag isip ng ganyan kasi mas lalo kang mapapapraning kakaisip the best pa din you consult your Dr.

Magbasa pa

nag pa check up kana ba? baka hindi pa rin. Iisa ang sasabihin nila sayo mag pa check up ka muna. Doon ka magsabi sa doktor ng nararamdam mo. sabihin mo din yung naging pag inom mo ng pills na hindi mo itinuloy. wag mo na patagal-tagalin yan connie dumerekta sa doktor kase di naman mahuhuluan ng mga mommies dito ang nangyayari sayo. Doktor ang need mo. Mas mabuti na din ang nag iingat ka.

Magbasa pa
1y ago

Oo regla na siya. Mag iingat kana connie.

Eto po opinion ko lang ahh .. Kung iregular yung mens nio.. it's either due to stress yan kaya yung period nio ayaw magtuloy or preggy po kayo pero it's too early na madetect ng PT .. nagwhite discharge din ako to brown discharge for two weeks... ending preggy ako nadetectect lang pt more than 3weeks delayed ...

Magbasa pa
1y ago

I think kaya di na mapacheck up agad sa ob either dahil underage pa at dipa kasal or walang budget pampacheck up. Meron namang public kaso nakakahiyaan baka matsismis sa baranggay. Pero kung nasa edad kana at kasal kana hindi ganyan ang experience. Sana kung di pa kaya ang responsibilidad at nag-aaral pa huwag na muna makipagtalik kasi wala namang 100% safe na birth control kahit condom may nabubuntis padin. Pills naman dapat prescribe ni OB at may harmful effect din lalo bata pa. Lalo di safe withdrawal at calendar method. At may guilt pa at anxiety.

Magpacheck up po kayo sa OB at ipapap-smear po siguro kayo to check your concerns po. Wag po kayo masyado magworry kasi possible po na hormonal changes lang po yan dahil sa stress or unhealthy diet. Best to have it check po by OB. Unahin nio po sarili nio.

Nangyari na yan sakin dati parang dugo na color brown. Magpa papsmear ka kasi naka may Bacterial Vaginosis ka. Nakapal ang uterine wall / lining mo kasi may infection kaya may abnormal bleeding ka. Better talaga kung mag pa papsmear ka.

Ba’t ka nagtake ng pills na hindi naman sakto ang pag gamit. Dapat kasi nagtake ka ng pills sa first day ng menstruation mo! Baka sa kakaiisip mo na din ‘yan resulta na sa stress. Stress kasi nagca-cause din ng abnormal na mens.

normal lang yan sa first time magpills. ganyan din ko pills ng pcos. 1month din ako mag brown discharge pagka 2nd month ko ng pills wala na. Tuloy mo lang yung pills po. observe mo pagka next month if ganun pa din ba.