Tahi sa pwerta
Hello. Ask ko lang sa mga nanganak na normal delivery, normal lang ba na kapag nakatayo medyo sumasakit yung sa pempem? Parang may mahuhulog ganun. Thankyou 1month na po ko nakapanganak.
Ako sis 10 days postpartum, may tahi din ako sa pwerta pero nakakarecover na ko ngayon. Tinake ko lang lahat ng reseta na gamot ni ob sakin. Advise naman ng mama ko, maghot steam ng pinakuluang bayabas, bale ilalagay mo sya sa arinola and uupo ka don. Yung di masyadong maiinit, tanyahin mo din yung kaya mong init. Umaga at gabi yan tapos yung pinagkuluan ng bayabas yung ipanghuhugas ko, gamit ko din betadine fem wash, yung color violet then yung napkin ko iniisprayhan ko ng alcohol. Palit napkin agad every 3 hours and every ihi ko naghuhugas ako betadine fem wash. Mabilis ako nakarecover. Kaya ko na kumilos kilos ngayon.
Magbasa paopo. pahinga mo lng sugat mo tsaka wag muna buhat ng mabigat. ako non struggle pag need ko maupo tapos pag nakatayo naman feeling ko may malalaglag 😂 2 months naging ok na sugat ko non, may pinapahid n cream c ob sa sugat ko non kaya mabilis na lmg gumaling aside sa maglanggas sa bayabas. dahan kilos lng, masakit pa talaga Yan, depende pa sa katawan mo gaano kabilis recovery
Magbasa paOpo mmy. Ipahinga lang po parati wa pilitin baka magcomplicate pa po. Every cr po mag banlaw lang ng betadine femwash para mas mabilis mag okay... nag advuce din sakin si midwife na pantyliner lang po gamitin para makahinga yung sugat sa pempem... tiis2 lang po sa tagos. Tagal kasi daw maging okay yung sugat ng tahi pag naka napkin.. di makahinga
Magbasa paAko nga almost 4months pa bago tuluyang nagheal tahi ko, bakit? kasi may uti pala ako kaya ayaw magheal agad, nag antibiotic pa ko, then nung ok na siya gumaling naman na. If bagong panganak ka, dont just take a generic drug, mag branded ka para mas mabilis ang talab, matagal kasi talab ng generic compared to branded medicine..
Magbasa paMag 3weeks na ako nung ako ay manganak. Super sakit pa din ng tahi ko mga mamsh. Hindi ko pa din inistop pag inom ng mefenamic hehe kayo ba ilang weeks bago tuluyan nawala ang sakit? Hirap pdn ako umupo lagi lng nakahiga huhu
yes mo natural Lang po Yun mom
ganyan din ako mamsh minsan pag nararamdaman ko hinahawakan ko yung pempem ko pero hindi sa loob parang alalay lang ganon para mawala yung mabigat na pakiramdam kahit papano pero ngayun mag 1month palang ako hindi kona ramdam yung mabigat na pakiramdam sa pempem kirot kirot nalang sa tahi
ganyan po yata talaga healing process. lalo muna sasakit bago gumaling.. ganan ako sa panganay ko. gulat ako kasi ang alam ko malakas na ako, nakaligo na din ako kaya ko na mag isa one morning di ako makabangon sa sobrang sakit ng tahi.
ganito din nararamdaman ko 8days na after ko manganak pero masakit padin lalo pag naglalakad or pag nkatayo kya dahan2 lng ako maglakad pati sa pagtayo masakit din pag nkaupo.. akala ko ako lang gnito nararamdaman
dapat magpakulo dahong bayabas tas yun ung pang hugas sa pempem maligamgam dapat kaso nakakaitim ng singit haha sa first baby ko ganun tapos nung napansin ko maitim nag alcohol ako at maligamgam pinagsama ko
ako ginawa ko pagkauwi sa bahay naglanggas ako ng dahon ng bayabas yun pinanghuhugas ko tapos yung betadine fem wash ang pansabon..ok naman sya in 2weeks tuyo na sugat ko saka patak nalang yung dugo..