Signs...

Ask ko lang po kung ano ang signs na nagc-cheat ang partner/bf/hubby, in short, mga lalaki? Di ko po kasi alam kung tamang hinala ba talaga ako o ano, isang linggo akong nananaginip na may third party, bigla nya nalang rin pinalitan ang endearment namin at then kanina tinanong ko sya thru text kung KUMAIN na ba sya, ang sagot nya NANUNUOD NG TV. Halos tumigil mundo ko sa reply nya, sinabihan kong "May iba ka yatang katext :)", nireplyan nya ako ng "Hehe.. Sa isip ko kasi ano ginagawa mo *endearment*.. Nkatutok ksi ako sa tv... Hehe.. Sorry.. Promise mamatay man ako wla akong ibang katext.." Hindi ko po alam kung masyado lang akong nago-overthink since buntis ako, ang sakit sobra. I need answers and advice po please kung anong magandang gawin ko at paano ko malalaman. Please answer po, thank you po.

72 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

MASYADO PO ITONG MAHABA HEHE. Salamat po sa mga sumagot, mommies/or kung may daddy man haha. Binabasa ko lang po mga sagot nyo hehe. Madalas parin po ako nakakaramdam na parang may kakaiba, seaman kasi asawa ko e. Buo po tiwala ko sa kanya actually, since buntis nga siguro ako kaya masyado lang akong napa-praning. Haha. Naiintindihan ko ang hirap nya sa trabaho, every day kami may communication, may mga oras lang talaga na kahit alam kong di pa sya tulog hindi sya nagtetext sakin (unlike before), dapat nga Feb or March palang nakapag-bakasyon na sya pero since unexpected yung pagbubuntis ko nandun parin sya sa barko para makaipon para sa panganganak ko at sa kasal namin (yep, ikakasal palang po kami). Kaya ko lang po natanong yang kasi may history kasi siya as niloko ng ex-gf nya 7 yrs (pero 9yrs na kung di sila nag-cool off lol) tapos alam ko rin na marami na siyang na-F at 2 sa naka-F niya kilala ko, same as me, actually alam niya rin past ko since workmates kami ni hubby e, so mga issue ko alam niya.. Natatakot lang ako na baka ako naman yung lokohin nya or makipag-F na naman siya while ldr kami ๐Ÿ˜ข Ang story ko po is naging sidechick ako ng kaibigan/nakakainuman ko sa work pero may gf yung guy, and 4 times may nangyari samin nung guy nangyayari yun only with the influence of alcohol and sapilitan since malakas ang alcohol tolerance nung guy (alam ni hubby yan, mas lalo sya nasaktan nung malaman nya na yung guy ang nakauna sakin, at naiiyak nalang ako kasi everytime na maalala ko yon nabababuyan ako sa sarili ko) si hubby kasi before di ko pa alam na may feelings na sya sakin bago pa ako magkaroon ng issue so nung may issue na nga ako, sa kanya ako nag-oopen up napaka-protective nya kasi sakin nun, pinapayuhan ako palagi pero little did i know na nagseselos pala siya. Haha. Enough of that. ๐Ÿ˜ข I just pray to God na sana maging faithful siya sakin, at ganun rin ako sa kanya. Since we both prayed and hope for a happy, healthy and complete family. Bless us all.

Magbasa pa

ramdam po ntn yan mommy..lalo n pg nag bago c mr.satn.aq kpg may gnagwa nmn mr.ko..lalo n pag tulog n me kc magkaiba oras nmin s knila maaga aga p. nggcng me bgla na prng kabado tas xa agad ppasok s icp ko. na parng tinutulak aq n twgn ko i vdeokol ko..tpos pag d nya cnagot twg ko pinapaty o mnsn nssgot dn n d nya alam na hlos may nddng aq nagkknthn mga babae lalaki tawanan tas nhuhulog cp may gnagwa nga xa kalokohan dat time. umuwi ng pinas bakasyon nya delete mga apss n viber tas ng install ko gamt ung number nya ulit don may tumatwg n babae gf dw nya. tpos d pdn amin xa ilan days d kmi nag tabi s ibng room ko xa pnatulog.gang nagblik xa don. tpos nagknda bukng bukng ko may ibang accout xa. tpos inaask ko ang pw non gnawa nya pnagmumura aq xa pa galit n galit pra d sau mbgy agd. tpos hingi xa ng sorry kpg nalinis n nya un account n un. ska nya bbgy skn..don sobrang sakit..pro bngyn ko xa ng 2nd chance now mdyo ok ok na kc 24/7 xa naka vdeokol skn. kht lalabas xa at mgppdla o mamimili bukas lng vdeokol lng xa. kya kht pno nbws bwsn pero mnsn d pdn buo twla ko kc bka may iba nnmn xa n account. kc mnsn may nag aappear s google nmin n kung ano ano. pro now d q n dn msydo pncn. pti friend ko p nga schoolmate nmin nakarelasyon nya s chat chat. ramdam ko dn kc s post non schoolmate q pag nbbsa q dq alam bt gnun nrrmdmn ko xa naiicp ko..now nlng dn xa tlga kht pno nagbws s kalokohan cmula dn ng nag abroad dn aq ng mag 1yr dn mdyo tumino tino. pro d pdn bukng ktinuan. pro hnahayaan ko. kya tau mga misis po malakas po tlga pakirmdm kpg nagloloko c mr.

Magbasa pa
VIP Member

Simula pa lang nung naging kami, wala na talaga akong tiwala sa partner ko. Marami kasi syanv nililihim sakin kaya panay ang away namin noon pero siguro nagsawa rin ako sa pakikipag away kaya hinayaan ko na lng sya. Everyday hatid sundo nya ako sa work nun. ok kami pag nasa work sya kasi ina-update nya ako palagi sa lahat ng ginagawa nya pero after nya ako ihatid sa bahay pag uwi, hindi ko na sya makontak. Maghihintay na lang ako ng umaga para makontak ulit sya. Lagi nya dinadahilan sakin nun na walang signal sa bahay nila. Katanggap tanggap sana kung nasa bundok or probinsya kaso nasa pasig lang sya tapos sasabihin nyang walang signal? Hindi pa dun natatapos ang kasinungalingan nya. May fb sya na alam ko ang email at password. Kampante naman ako na account nga nya yun. Yun pala 2nd account lang nya yun dahil may original kung saan friends nya talaga ang mga kamag anak at malalapit nyang kaibigan. Yung 2nd kasi halos lahat katrabaho lng nya. Tapos nung nalaman ko yun at nabuksan ko, nalaman kong may iba pala syang babae. Kaya simula nun lagi ko na syang sinasabihang sinungaling.

Magbasa pa
VIP Member

Naalala ko nung buntis ako madalas din ako managinip na may kasamang ibang babae asawa ko as in mas pinipili pa nya ung ibang babae na un kesa sa akin sa panaginip ko. Hanggang sa magigising ako na umiiyak then magigising sya kasi naririnig nya kong umiiyak. Ang nangyayari gigisingin nya ako, patatahanin at sasabihing "nanaginip ka na naman ba?" "May chiks na naman ba ako sa panaginip mo?" "wag kang maniwala, din un totoo. Di ko kayo ipagpapalit." Saka sa mag-9yrs namin together wla naman kaming issue na may iba sya. Kasi wla raw sa pamilya nila na may ganung issue at ayaw nya ng ganun lalo nat kasal na kami at may baby na. Kaya after ko manganak at nanaginip ulit ako nun sinasabi ko sa kanya pero di ko na binibig deal. Pero minsan inaasar ko sya na "ui may iba ka na ba?" Pero alam namin sa isat isa na wla. Biruan na lang tlga. Ang gawin mo, mag-isip ka. Itanong mo sa sarili mo na "minsan nba akong niloko nito?" "bago ba naging kami nagloko na to?" "may proof ba ako?" At maganda pa mag โ™ฅ to โ™ฅ talk kayo.

Magbasa pa

Mahirap mag speculate, ganyan din ako minsan pinag isipan ko ng masama yung husband ko, kaduda duda naman kasi talaga at may history na kasi cya sken. So medyo nawala yung trust ko. Kung sa tingin mo may ginagawang kalokohan yan partner mo. Try to investigate, not to the extent na lahat na lang e gawin bigdeal. Give him the benefit of a doubt, hormones mo din kasi yan. Or kausapin mo sincerely tanungin ko directly kung may ginagawa bang kalokohan, I know and we know na wala naman aamin. Pero obserbahan mo kung nagsasabi ba ng totoo at actions nya. Ikaw pa din makakapag sabi nyan kung nanloloko pa cya or kung may kalandian. Pero kung meron man, I ready mo yung sarili mo sa mga possibilities na pwedeng mangyari at huwag na huwag mong kalimutan Magdasal para sa ikakapayapa ng kalooban mo at ng pagsasama nyo. :)

Magbasa pa

saken signs ko nun. namamali siya ng term of endearment niya saken. ๐Ÿ˜‚ imbes na "mame" eh nagiging "love" yung tawag niya saken. ๐Ÿ˜‚ laging wala daw siyang day off, kahit linggo may pasok siya kahit yun dapat dayoff niya. ๐Ÿ˜‚ maaga siya masyadong pumasok tapos late laging umuuwi. ๐Ÿ˜‚ kapag niyayaya ko siyang mag do tinatanggihan na niya ako. ๐Ÿ˜‚ kapag binibiro ko siya kung may babae siya nauutal utal siya kahit wala panaman talaga akong napapatunayan. ๐Ÿ˜‚ pero lahat ng yun inintindi ko. dahil buntis ako. at baka para sa baby namen yun kaya nawawalan siya ng time saken. pero nung nakita ko second account niya sa fb. dun ko talaga napatunayan. tama pala ang hinala ko ๐Ÿ˜‚ kaya madalas yung hinala ay tama mamsh. ๐Ÿ˜‚ mag imbestiga kalang ng palihim. ๐Ÿ˜‚ mga babae may lahing detective conan yan. ๐Ÿ˜‚

Magbasa pa

nararamdaman po natin un mommy, ako nagloko ung asawa ko noon while im working nkikipag kita pala xa sa ex ko. untill nahuli ko mismo pinapili ko xa ayaw nia mamili i guess more hurt is mahal nia ung girl since ayaw nia ako bitawan pinaglaban ko nalang pero d ako ngong mahigpit sa kanya pinabayaan ko parin xa. then 2nd time ive notice na lagi niang tinatago phone nia and ayaw nia mkipag talik sakin nahuli ko sa phone nia nung lasing xa may kalandian xa sa phone even sensitive. pinabyaan ko nalang din buntis ako eh im so stress na and sabi ng iba kapag pinigilan mo lang yan lalo lang yan lalala, so pinabayaan ko untill dumating ung time na inaya na nia ako magpakasal kami. ngaun natigil pambababae nia sana lang magtuloy tuloy

Magbasa pa
VIP Member

Wala pa kami sa ganyang stage ng asawa ko pero madalas talaga ako maghinala. Pero ayoko naman yung puro hinala kase nakakawalang tiwala talaga sa partner. Pati kase sabi nya saken, ayaw daw nya maranasan ng anak namin yung broken fam kase same kami na galing sa broken fam. At alam ko yung feeling na, magkalayo yung parents namin. Skl mamsh. Pero dapat maghanap ka ng evidence na talagang nagloloko sya para wala na syang magagawa kundi ang umamin. Madali lang naman sating mga babae yon eh. Ako, di ko rin alam paano ko naiisip kung paano sya mahuhuli pero myghad, nagiging detective conan talaga ako para mahuli sya. Hahahaha

Magbasa pa
VIP Member

Same here, lagi ko din napapaginipan na may iba partner ko and worst they having s*x. Kaya minsan pag nagigising ako dahil sa panaginip ko sinisipa ko sya tapos chinicheck ko phone nya, then sinisearch ko sa fb kung may babae ba na ganito ang name. Ewan ko kung bakit napapaginipan ko yun, live in naman kami. Lagi kami magkasama 24 hrs, kahit san sya mag punta sinasama nya ko tapos dalawa din kami tumatao sa shop namin. Kahit alam namin kilos ng bawat isa. Siguro dahil sa kakaisip ko lang na since buntis ako hindi na kami makapag make love ng matagal ano kaya mangyayari kaya siguro ganon panaginip ko hahahaha

Magbasa pa

pakiramdaman molang sis. malakas kutob naten mga moms kasi kahit sabihin mo gaano kayo katagal o kaikli nagsasama sa madaling panahon makikilala at makikilala mo mga galaw nila kung ano ang normal sa hindi (may tinatago) hirap din kasi minsan sa mga boys kapag kakausapin mo ng tapatan nagdereny pa pero ung iba naman ayaw na pagusapan kasi past na. at tayo ang future nila.. pero once masulyapan ang ex natutulala diba. kaya mahuhuli at mahuhuli mo sila konting maling galaw lang. kung meron o wala ba talaga. ๐Ÿ‘๐Ÿป

Magbasa pa