Signs...

Ask ko lang po kung ano ang signs na nagc-cheat ang partner/bf/hubby, in short, mga lalaki? Di ko po kasi alam kung tamang hinala ba talaga ako o ano, isang linggo akong nananaginip na may third party, bigla nya nalang rin pinalitan ang endearment namin at then kanina tinanong ko sya thru text kung KUMAIN na ba sya, ang sagot nya NANUNUOD NG TV. Halos tumigil mundo ko sa reply nya, sinabihan kong "May iba ka yatang katext :)", nireplyan nya ako ng "Hehe.. Sa isip ko kasi ano ginagawa mo *endearment*.. Nkatutok ksi ako sa tv... Hehe.. Sorry.. Promise mamatay man ako wla akong ibang katext.." Hindi ko po alam kung masyado lang akong nago-overthink since buntis ako, ang sakit sobra. I need answers and advice po please kung anong magandang gawin ko at paano ko malalaman. Please answer po, thank you po.

72 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Mahirap mag speculate, ganyan din ako minsan pinag isipan ko ng masama yung husband ko, kaduda duda naman kasi talaga at may history na kasi cya sken. So medyo nawala yung trust ko. Kung sa tingin mo may ginagawang kalokohan yan partner mo. Try to investigate, not to the extent na lahat na lang e gawin bigdeal. Give him the benefit of a doubt, hormones mo din kasi yan. Or kausapin mo sincerely tanungin ko directly kung may ginagawa bang kalokohan, I know and we know na wala naman aamin. Pero obserbahan mo kung nagsasabi ba ng totoo at actions nya. Ikaw pa din makakapag sabi nyan kung nanloloko pa cya or kung may kalandian. Pero kung meron man, I ready mo yung sarili mo sa mga possibilities na pwedeng mangyari at huwag na huwag mong kalimutan Magdasal para sa ikakapayapa ng kalooban mo at ng pagsasama nyo. :)

Magbasa pa