Signs...

Ask ko lang po kung ano ang signs na nagc-cheat ang partner/bf/hubby, in short, mga lalaki? Di ko po kasi alam kung tamang hinala ba talaga ako o ano, isang linggo akong nananaginip na may third party, bigla nya nalang rin pinalitan ang endearment namin at then kanina tinanong ko sya thru text kung KUMAIN na ba sya, ang sagot nya NANUNUOD NG TV. Halos tumigil mundo ko sa reply nya, sinabihan kong "May iba ka yatang katext :)", nireplyan nya ako ng "Hehe.. Sa isip ko kasi ano ginagawa mo *endearment*.. Nkatutok ksi ako sa tv... Hehe.. Sorry.. Promise mamatay man ako wla akong ibang katext.." Hindi ko po alam kung masyado lang akong nago-overthink since buntis ako, ang sakit sobra. I need answers and advice po please kung anong magandang gawin ko at paano ko malalaman. Please answer po, thank you po.

72 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Naalala ko nung buntis ako madalas din ako managinip na may kasamang ibang babae asawa ko as in mas pinipili pa nya ung ibang babae na un kesa sa akin sa panaginip ko. Hanggang sa magigising ako na umiiyak then magigising sya kasi naririnig nya kong umiiyak. Ang nangyayari gigisingin nya ako, patatahanin at sasabihing "nanaginip ka na naman ba?" "May chiks na naman ba ako sa panaginip mo?" "wag kang maniwala, din un totoo. Di ko kayo ipagpapalit." Saka sa mag-9yrs namin together wla naman kaming issue na may iba sya. Kasi wla raw sa pamilya nila na may ganung issue at ayaw nya ng ganun lalo nat kasal na kami at may baby na. Kaya after ko manganak at nanaginip ulit ako nun sinasabi ko sa kanya pero di ko na binibig deal. Pero minsan inaasar ko sya na "ui may iba ka na ba?" Pero alam namin sa isat isa na wla. Biruan na lang tlga. Ang gawin mo, mag-isip ka. Itanong mo sa sarili mo na "minsan nba akong niloko nito?" "bago ba naging kami nagloko na to?" "may proof ba ako?" At maganda pa mag ♥ to ♥ talk kayo.

Magbasa pa