hi mga mommies

Ask ko lang po kasi nanganak ako ng sept 21,2019 then breastfeed tlga ginawa ko kay baby kahapon dumating biyenan ko di daw makuntento si baby sa gatas ko kaya bumili sila ng formula milk, then pinadede nila sa baby ko na nakatulog naman ng maayos si baby after nila padedehin,kaso.gusto ko kasi breastfeed tlga si baby ko. Sabi ng biyenan ko pag lumakas daw gatas ko saka ko padedehin sakin, nagworry naman ako kasi baka masanay na si baby sa bottle feeding baka di na dumede sakin, kasi now niluluwa na nya dede ko kaya nagpupump ako. Advice naman po if after a week ba lalakas gatas ko at di nya kaya aayawan dede ko incase man lumakas gatas ko. Mahilig ako sa sabaw, nagtatake nadin ako malunggay caps nung buntis ako, at namamalunggay tea din ako, more on water din ako kaso bakit ang konti padin ng gatas ko?thanks po

24 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

You have to be firm if breastfeeding ang goal mo dapat lahat ng humahadlang sayo pagagalitan mo or ieducate mo. Ikaw ang ina ikaw lang dapat ang masunod sa kung ano gusto mo sa anak mo lalo pa man ay yun ang the best way para maging healthy si baby. If nag pump ka ngaun hndi yan advisable 6weeks and up dapat para hndi ka maover supply. Pwede ka kase mag engorge or worst magka mastitis.....if gusto mo lumakas ang gatas mo wala masama kumaen at uminom ng madameng galactagogues or pampagatas.. pero ang totoong nagpapadame ng gatas ay direct latch lang. Stop mo na pag bottle feed baka mauwe pa sa nipple confusion yan....after 6weeks established na ang milk supply mo if only ipapa latch mo kay baby

Magbasa pa
6y ago

Ang stomach ngaun ni baby ay kasing liit lang ng holen kaya hndi pa nya kailangan ng madame gatas. Kaya ang pinoproduce lang ng katawan mo ay sasapat lang sa baby mo...trust your body...napag daanan ko nadin yan nung 2mons baby ko..lalo pag nag growth spurt na anak mo baka lalo ka panghinaan ng loob....manindigan tayo mamshie kaya mo yan...and hndi ibig sabhn na kung ano lang amount naipump mo at yun din ang napoproduce mo na milk....mas madame ka mapoproduce if direct latch yan.