CS
Ask ko lang po if mahirap ang CS? Kinakabahan po kasi ako, baka ma CS ako kasi breech position po yung baby ko. Diko po alam kung iikot pa, I'm 33 weeks and 1 day pregnant na po.
Iikot pa yan mommy.pero dati takot din ako ma cs kase feedback ng mga kakilala ko na may experienced ng ma cs e nakakatakot daw.Ang panganay ko normal delivery bago na sundan ay 8yrs pero umasa ako mag normal delivery ulit.pero nag kulang na amniotic fluid ko kaya emergency cs ako sobra ako takot na takot nun dahil iniisip ko yung mga sinabi ng iba.Pero sabi ni OB kailangan ko daw mag relax at baka tumaas bp ko.Syempre tinary ko maging kalma inhale-exhale.Hanggang sa na cs na nga ako at 15minutes my baby is out super thankful after ako ma cs okey lang din.May mga gamot at panurok naman sa hospital.Pero kinabukasan pinabangon na ako masakit syempre sa una pero kailangam mo tiisin.tagilid ka muna tas utay utay babangon.Pero bago ako lumabas ng hospital naka 3days ako dun e hindi na sya masakit kase panay galaw ako.Pag lagi ka nagalaw dahan dahan lang nakakabawas yun ng sakit.Basta ingatan mo lang tahi mo at bawal yuyuko at mag susuot ka syempre ng binder/girdle.Alcohol lang din pan lagas ko ng tahi at madali sya na tuyo.Ngayon 4months na ako na ccs.Kayang kaya mo yun mommy napakadali lang.Magdasal ka lang din mommy Pero yan baby mo may posibilidad na umikot pa😍
Magbasa paHindi na man ganun kahirap ma CS. Tinatakot ka lng ng iba dito haha iba na po mga gamot ngayon kya mas madali ng mag heal ung tahi. After 2days mkaka tayo at galaw ka na. After 1week halos balik ka na sa dati mong energy. Sympre bawal pa magbuhat ng mabigat at magpagod ng todo pero hindi nmn gnun kahirap.
Magbasa paAko sa first baby ko kunting sakit lang tas after 3days kayang kaya kong gumalaw . Easy easy .. mabilis akong gumaling pero sa 2nd baby ko ako nahirapan kahit tatayo lang mahirap kahit pang 3days na umiyak iyak pa ako sa sakit
Based on my experience mahirap po talaga ma CS. Wala ka nga po hirap sa paglabas kay baby pero yung after operation matagal po recovery. Aside po sa kirot ng tahi hirap po gumalaw. 30weeks iikot pa po si baby. Kausapin nyo lang mommy.
Iikot pa po yan Mamsh. :) Breech din po si Baby ko at 33 weeks. Nag.utz ako by 35 weeks, naka-cephalic na po siya. Kausapin niyo po palagi si Baby and magpa.music po kayo sa babang part ng tummy niyo. 😇
yes po mahirap maCS matagal recovery hirap gumalaw madaming bawal at baka mabinat. Iikot pa po yan momsh kausapin nyo lng lagi si baby tas himas himas sa bandang puson..
Same tayo sis... im 33 weeks and 4 days But nasa tamang position na ung baby ko..kausapin mo lg sha at play music sa may bandang puson.baka sakaling umikot
iikot pa yan mamsh..32 weeks ako nung nagpa.ultrasound na nakabreech position si baby..then 37weeks nagpa.ultrasound ulit ako, cephalic position na sia.
iikot p yn,,like me,,ngng cephalic nung 34 wks ko..higa k lng lagi sa kliwa,ung himas sa tyan bndang baba ng puson pra sundan,flashlight sa bndng baba ng puson
pray lang, iikot pa 'yan basta galaw galaw lang. Tsaka oo mahirap ang cs kesa normal. Sana normal delivery ka. Kaya mo 'yan
Waiting For Zi Han To Come Out