LEGITIMATE CHILD VS. ILLEGITIMATE CHILD????

Ask ko lang. nagkakagulo kasi kame about sa “legitimacy” ng baby. Ayaw muna kasi namin magpakasal. Legitimate child padin ba sya kahit d kame kasal pero sa father yung apelido??? Or after palang namin magpakasal??? We have no idea kasi sa rules natin about legitimacy. I want to know more about the legitimacy ng baby. Thank youu!

40 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

.. Base on my own experiences.. 8 years kme ng asawa ko ng live in (ndi kasal).. 3 ang nging anak nmin.. Dahil ndi p kme kasal khit na dala ng mga anak nmin ang apelyido ng asawa ko still illegitimate child ang nakalagay sa birth certificate nila.. After nung ngpakasal na kme, ngtanung ako sa LCR nmin kung panu maayos un.. Meron mga requirements na ipapakuha seu sa PSA at affidavits pra mging legitimate ang bata.. 😊😊😊

Magbasa pa
5y ago

may bayad po ba pag ipapalegitimate na po?