Byenan
Ask ko lang mga sis kung kayo nasa sitwasyon ko na halos lahat ng dapat gawin ko para sa anak ko hindi ko magawa kasi inuunahan ako ng byenan ko Ex. Pagpapaligo ng anak ko pinapagawa niya sa pamangkin niya although kaya ko naman magugulat nalang ako nandito na sa bahay ung magpapaligo kaya wala na ko nagagawa ? lahat nalang pinapakialaman naintindihan ko naman kc unang apo nila at isa lang anak ung asawa ko kaya sabik sila pero parang tinatanggalan ako ng responsibilidad sa anak ko ?. Sinasabi ko naman sa asawa ko sabi niya hayaan nalang daw anyway nakabukod po kaming mag asawa. Tama lang ba ung nararamdaman ko cyempre 1st baby at gusto ko din naman matutunan ung mga bagay na yun pero paano ko matutunan kung sinasabi sakin palagi ng byenan ko na hindi ko daw alam ganito-ganyan kaya iuutos sa iba?
a mom like you