Byenan

Ask ko lang mga sis kung kayo nasa sitwasyon ko na halos lahat ng dapat gawin ko para sa anak ko hindi ko magawa kasi inuunahan ako ng byenan ko Ex. Pagpapaligo ng anak ko pinapagawa niya sa pamangkin niya although kaya ko naman magugulat nalang ako nandito na sa bahay ung magpapaligo kaya wala na ko nagagawa ? lahat nalang pinapakialaman naintindihan ko naman kc unang apo nila at isa lang anak ung asawa ko kaya sabik sila pero parang tinatanggalan ako ng responsibilidad sa anak ko ?. Sinasabi ko naman sa asawa ko sabi niya hayaan nalang daw anyway nakabukod po kaming mag asawa. Tama lang ba ung nararamdaman ko cyempre 1st baby at gusto ko din naman matutunan ung mga bagay na yun pero paano ko matutunan kung sinasabi sakin palagi ng byenan ko na hindi ko daw alam ganito-ganyan kaya iuutos sa iba?

12 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kahit naman wala tayong alam sa una, instinct na ng mga mother ang alagaan ang anak nila. Pwede syang magbigay ng payo pero di sya pwedeng makialam. Haist. Unahan mo na yung magpapaligo😅 paliguan mo na bago pa ang oras ng pagdating ng tagapagpaligo haha

VIP Member

Ay gara. Ganyan din byenan ko nakasimangot pag may order akong dumadating sa bahay, eh puro gamit ng baby ko yung binibili ko. Sabi nya "order kayo ng order nauubos na pera nyo" sa isip isip ko syempre inuunti unti ko na ang gamit ng baby.

5y ago

I feel you cyst ..

Sabihin mo nlng ke hubby mo na sabihan mom nya.. kelangan ikaw gumawa ng mga bagay na ganun para ke baby para matuto ka at maexperience un bilang isang ina. Gusto mo ikaw magpakahirap ke baby kase obligasyon mo un

Sabihin mo na ikaw na, wag mo pamihasain, dadating sa point na aangkinin nila yan. Pwd naman na sila gumawa ng responsibility mo paminsan minsan pero wag lagi. Pero sa umpisa lang yan kasi sabik sila sa baby.

Baka tintulungan Ka din nila mommy. Para maka pahinga Ka. If you want to learn naman manuod Ka sa nagpapa ligo tapos unahan mo kinabukasan. Hahaha para pag dating sa bahay nyo naka ligo na si baby haha

Kaloka yung ganyan. Imbis na di ka palasagot masasagot mo nmn pala. Naku massanay yan hanggang sa lahat ng desisyon mo sa anak mo panghihimasukan na. Wag mong hayaan na ganun.

if that was me, prangkahin m or pa assist kn lang oanu k kamo matutu, its ur child , its ur decision mamsh, dmi tlga. dto dn mga oldies daming opinion

Sabihin mo nalang po in a nice way na gusto mong matuto kaya sana ikaw nalang magpaligo at tutulong nalang sila, wala namang masama dun

Buti ka.pa may katulong ka sa gnyan 😂😂 kapag nililiguan ng daddy ko yung anakko tuwang tuwa nko kac mkakapagpahingan

Pwede naman magpaassist ka nalang dun sa magpapaligo, take over mo nalang everytime para hands on ka pa din kay baby 😊