Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

Alam mo mummy. this is my second baby. gusto sana ni hubby na babae kasi lalaki panganay namin but then nung nag ultrasound kami pagka Sabi ni doc na lalaki yung bb ko again. medyo na lungkot ng konti lang naman pero happy na din kasi happy naman din si hubby sa result nya Sabi pa nga nya ang importanti is Malusog at wala ng problem dun satisfied na sya sobrang Saya nya na. happy lang ako. yun talaga pinaka importanti malusog si baby natin. 😊 pray kalang po sis. na bigla lang cguro yang hubby mo.

Magbasa pa