Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Gusto ng hubby ko baby boy ang first baby namin. Kahit ako aaminin ko gusto ko baby boy pero palagi ko naman sinasabi na if baby girl eh happy parin basta importante safe and healthy siya. Last week nagpaultrasound ako baby girl yung nakita. Natawa nlang ako kase naiimagine ko reaksyon ng asawa ko hahahaha di ko pa sinasabi inunahan na ako na "baby girl yan noh?" Tawa lang nasagot ko sakanya kase natatakot din ako makita na madisappoint siya. Siguro nadisappoint siya konti pero alam kong happy siya. Siya parin naman mas excited sakin hanggang ngayon β˜ΊοΈπŸ’Ÿ

Magbasa pa