Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

ganyan talaga halos ng tatay, gusto lalaki ang panganay. maski ako gusto panganay ay lalaki. awa ng diyos lalaki ang kinaloob samin. yung kapitbahay namin. babae ang panganay. pinagkalat sa buong street namin na disappointed talaga sya. lagi din sinasabi samin na swerte daw namin. ngayon mga 6 months na si baby nya disappointed pa rin sya. okay lang yan momsh as long as healthy si baby. iparamdam mo kay baby girl na loved sya habang nasa tummy mo.pa. lahat ng nararamdaman mo. nararamdaman ni baby.

Magbasa pa