Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nauna po expectation ni hubby nyo. But I know po na once nakita nya baby nyo, mawawala yang disappointment nya. Basta na lang nya mafifeel yung love naturally kasi anak nyo po yan e. Galing sa inyo yan. Kami naman no hubby we were hoping for a girl then. Nung nagpaultrasound nko, baby boy sya. And you know what, we felt really happy pa din kahit di kami napagbigyan kaso the fact na we were given a baby, it's the greatest gift already.🙏

Magbasa pa