Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Alam mo mommy, may mali. Bakit conditional ang pagmamahal ng asawa mo sa baby niyo? Ang sama pakinggan and ang unfair para sa baby. 😒 In the first place ang gender is nangagaling naman talaga sa sperm cells ng father. 🙄 Dapat kausapin mo ng masinsinan yang asawa mo momsh. Napaka immature. 🙄 Saka mommy stand your ground. Bakit parang mas affected ka na malungkot yung asawa mo kesa yung mararamdaman ng anak mo if nalaman niya yan in the future? Ang unfair. Ako yung nasasaktan para sa anak mo momsh.

Magbasa pa
3y ago

same case pero hindi naman si hubby umabot sa point na naisip nyang ipalit baby namin sa iba gusto nya lang lalaki parin pangalawang baby namin but it turns out n baby girl ang pangalawa mejo nadisappoint sya nung una pero nung ipinanganak ko na yung baby namin at nakita na nya kamukhang kamukha nya sobrang hands on nya, sya halos nagbabantay pag madaling araw at excited sya lagi umuwi para makarga si baby wag kana ma stress mamsh ipag pray mo nalang na sana magkaron sya ng affection sa baby nyo pag nakita na nya