Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Nung hindi pa namin alam ang gender ng baby namin, I wanted a girl. Pero alam kong 50-50 ito, at maaaring lalaki nga. Nag-isip ako agad ng β€œpros” kung sakaling lalaki ang maging anak. Kako if lalaki, magiging responsible Kuya, and hindi ganun kaalagain compared sa babae (mas careful talaga dapat kapag babae ang anak e). May pros and cons, mommy. Ilista mo yung pros na pagiging babae ang gender ng anak nyo. :) Pero mommy, nakaka-offend yung hirit nya na palit na lang ng baby... Hindi sya dapat ganoon. Dapat tanggapin nya kung anuman ibigay ng Diyos πŸ˜”

Magbasa pa