Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Wag ka paaapekto mommy. Maraming benefits kapag ang panganay ay girl nu. Be happy for the baby, if di happy si hubby, sino magiging happy para kay baby, edi ikaw. Ako, personally, gusto ko ay boy, all girls kasi kami magkakapatid, pero nung nalaman kong girl, sobra sobra ang saya ko pa rin. Umiiyak nga ako sa tuwa habang nakikita ko siya sa screen nun. Sayang wala si hubby dahil bawal haha, mas iiyak yon kasi girl gusto nila. Basta mommy, wag mo hayaang maramdaman ng baby mo na di siya gusto ni daddy niya. Bad for your little angel.

Magbasa pa