Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Actually, meron talaga ganyan. Hindi naman parepareho ang nararamdaman ng tao so it's ok to feel that way, mommy. Siguro eventually matatanggap nyo din ang gender ng baby, just let it sink in. To the community, sana wag po maging harsh sa pag comment. The mommy is having frustrations, lalo lang sya na-sstress sa mga negative comments nyo. Let's help each other out here, let's help other mommies to let them know that everything will be fine. Para less stress sa environment. ❤

Magbasa pa