Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

same here .. want namin baby boy FTM din ako nung nalaman ko na girl ako pa ang mas disappointed kesa sa husband ko .. ๐Ÿ˜‚ pero thankful namn kame kaht ano ibigay ni Lord mahalaga meron kase ung iba nga hnd nabibiyayaan ng baby eh mag iinarte pa ba kme ๐Ÿ˜‚ 3yrs naming inintay to now im 34 weeks excited na kame parehas ni hubby lumabas c baby kaya gabi gabi kinakausap namin un nga lang mas nakikinig siya sa hubby ko malikot siya kapag rinig nia boses ng papa nia ๐Ÿ˜‚ kaya ok lang yan malay mo next baby mo boy na think positive lang wag maxado mag pastress or paapekto sa negativity ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
4y ago

same tau sis ako pa ung mas nadisappoint hehe kse gusto ko tlga mgkababy boy kse nga girl na yng first baby namin pro naovercome ko din naisip ko ciempre bgay ni God blessing ano pa man ang gender ang importante healthy cya im on my 26weeks๐Ÿ˜Š

Ngek Anong klase asawa yan ipag papalit anak niya para Lang sa gusto niya kakaloka siya๐Ÿ˜“alam mo po kaya Hindi siya masaya kong Anong Meron siya sabihin mo po sa kanya na tanggalin niya inggit niya sa katawan at mag pasalamat siya dahil May anak siya at maayos kalagayan ang iba nga wala talaga pero na gagawang mag pasalamat dapat sabihan mo siya na si Lord mag decide niyan Hindi siya!!at lahat kamo ng bagay May dahilan kakaloka at ipag pray mo din po siya!Kasi naiingit kasi siya kaya ganun Mas ipakita mo na Mas the best May anak na babae kasi yan puwede siya mahalin niyan tulad ng Hindi niya I naasahan

Magbasa pa

hindi ba parang mas nakakadisappoint yung asawa mo or mas dapat kang madisappoint sa asawa mo๐Ÿ˜… bakit gusto niyang ipagpalit baby niyo eh dugot laman niya yan... masakit ung maririnig mo or mbbasa mo galing sa asawa mo mismo... jusko.. I'm a first time mom din po and gusto din ni hubby ng boy dahil gsto niya maturuan magbasketball pero hnd nmn siya nagsasalita ng ganun ang sinasabi niya lang pag girl gsto niya sundan agad hahahaha. Pero wag ka mag alala mommy kung nakatadhana talaga na magkaron ka ng baby boy malay natin sa susunod na pregnancy mo makaboy na kayoโ˜บ๏ธ. Godbless sa inyo ni baby girl mo

Magbasa pa

First time mom here. Ako nung una baby girl talaga gusto syempre iba pa din kapag may anak na babae, pero lahat ng pamankin ko girl na and gustong gusto ng family namin na boy. Nung gender reveal na nung nalaman kong boy iba yung saya sobrang saya ko nun, kahit hindi yun gusto ko basta lagi kong prayer is healthy baby at walang mangyari samin kapag pinanganak ko kuntento na ko dun. Kapag kuntento ka wala kanang hahanapin na iba kahit pa ayaw ng baby girl ng asawa mo kung ikaw na wife kuntento nothing to worry. Hindi yan work na niplan mo tas iba resul para madisappount ka. Be thankful sa blessing ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa

Grabe naman yung asawa mo. Paano kung binigyan nga kayo ng boy tapos sakitin naman at pag laki kagaya ng ugali ng asawa mo na hindi marunong makaappreciate. Alam mo mas lalo sya hindi bibigyan ni Lord ng lalaking anak kung ganyan ang ugali nya. Ang importante sa lahat healthy ang bata regardless of gender. My God dugo nya yan, sperm nya yan sa kanya nanggaling yan tapos di nya matanggap. Kawawa naman si baby nyo di nya deserve magkaroon ng tatay na ganyan very immature guy. Uwi nalang sya sa nanay nya kung simpleng pagtanggap lang ng gender ng anak nya hindi nya kaya ๐Ÿ˜ž nakakagigil nakakagalit.

Magbasa pa

Unang-una what is wrong sa pagiging girl. In the first place babae tayong pinakasalan nila. Galing ako sa pamilya na mas dominant ang lalaki, mostly kasi mga isang girl lang per family ganyan. In fact ako only girl din ako kaya favorite ako. Then yung hubby ko preferred nya daw boy as panganay, mas okay daw boy ang panganay. Which is tinataasan ko sya ng kilay haha kasi ako hindi ako panganay pero ako pinaka matured at decision maker sa family namin. Kahit mga kilala ko din, mostly mas matured pa nga ang mga girls sa family. Tho ako wala ako preferred na gender, I just want my baby to be healthy.

Magbasa pa

Mas nakaka disapoint ang reaksyon ng asawa mo kaysa sa gender po ng baby mo dpat d po siya nag expect kung anu ang gender ng baby ang mahalaga both po.kayo healty at safe....nakaka inis lang na kaya niya ipagpalit sa iba ang anak para lang sa sarili d ba niya naisip na dugo at laman niya din ang baby at d lang laruan na dapat ipamigay kapag ayaw tsk anung mindset ba meron yng asawa mo (sorry sa words) mommy mas unahin mo po ang sarli mo at baby mo wag ka po papa strrss kapag nakapanganak na at ayaw ng hubby mo ang baby ide iwan mo d siya worth it na tawagng father kapag ganyan po

Magbasa pa

ang gender ni baby sperm ang nagdidikta which yung sa tatay. sa simula pa lang ng pregnancy ang gender no baby di na nababago yun. 1st baby namin ng husband ko, pressure kasi nagiisang apo sya na lalaki at tatay nya lang nakaanak ng lalaki pero happy padin sya dahil magkakababy n kmi. Ako gusto ko talaga ang boys lang mga anak ko para only woman ako sa bahay pero those are just what I want di naman tayo masusunod. Express to your husband how you feel, umiyak ka sa harap nya if you want ang you're really hurt kung mahal ka nya masasaktan sya n mkita kang malungkot at nsasaktan, just be honest

Magbasa pa

Maybe for now mommy ganyan si hubby kasi nag expect po siya na posibleng bb boy po ganyan naman lagi yung gusto nila pag first born lalake pero siympre dadating din po yung araw na maiisip ni hubby yung sinabi niya maybe give him time napo muna saknya kahit nakakaasar marinig mula saknya na nakikipag palit nalang siya. Mahirap po kasi yalaga mag expect ng gender kaya kapag ganyan malaking dissapointment nararamdaman natin. Basta okay naman si baby healthy siy paglabas niya magbabago dun pananaw ni hubby. Ang sarap kaya ng may bata s bahay makikita niya din yun. Nainggit lang siguro. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
VIP Member

Samin naman awa ng Dyos gusto namin sa panganay baby boy. Binigay naman ni Lord saka expect na namin yun kasi bothside malakas ang dugo nila sa lalake swerte nga na babae pa ako lahat ng kapatid ko Boy pati Lip ko pati side ng magulang namin. Kaya sa 2nd baby namin nagpipray kami na sana baby girl na kaso sabik kami sa Girl at yung panganay ko gusto nya baby girl. Kaya yun swerte kasi Girl na rin yung 2nd baby namin lahat masaya pati mga kapatid ko gusto girl sawa na daw sila sa itlog HAHAHAHA. Ako din nyan maninibago kasi sanay ako sa boy na may itlog kapatid at panganay ko Boy. Hahaha

Magbasa pa