Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kaya ako, kami ng hubby ko never nag expect sa gender. Wala sa mindest namin na dapat girl or boy. Gusto ko boy, gusto ko girl or dapat boy dapat girl. No! Kasi blessing ang anak whatever the gender is. Una naming baby is nawala beacause of ectopic. Kaya lagi lang namin prayers magka anak kahit ano gender basta healthy. Imagine, ang daming hirap magka anak pero ikaw biniyayaan ka. I have two girls na and Finally, buntis ulit ako sa pang third and it's a boy na. Pero wala saamin umasa na boy pero binigay ni Lord. Kaya we have two girls na and 1 boy. Malay nyo sa susunod boy na. Be grateful dapat. Wagkana ma stress Mamsh! Yaan mo yang hubby mo. 😄

Magbasa pa