Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Same feeling ko din yan momsh nung buntis pa ako kase gustong gusto talaga ng partner ko na magkaron ng anak na lalake. Sya panganay sa kanila tas yung dalawang kapatid nya both lalake first born. Iniisip ko non disappointing yung gender ng anak namin para sa kanya. Nung mga times na yun halos di ako maniwala sa kanya na mamahalin nya ng same anak namin kung sakaling naging boy pero nung manganak ako at nakita niya ang baby girl namin super proud sya at mahal na mahal nya. Nakakapagselos nga minsan eh kase paguuwi sya ng bahay lagi nlng si baby hahaha lagi buhat tas gusto nya sya magaasikaso lahat ☺️ malay mo momsh ngaun lang yan magiiba din husband mo once nakita na nya anak nyo 😍

Magbasa pa