Gender Disappointment
Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

Kami din ng husband ko hoping na Babae and also yung mama niya Kase sa Side nila puro boy ang apo, pero nagpaultrasound kami 100% its a Boy, honestly nadisppoint din kami sa una pero nung nag Kick na siya sa tummy at habang tumatagal at nagppray kami natanggap naman namin ❤️ at thanks God He is Healthy baby😍😊❤️ sa una Lang yan mommy , naging mataas lang yung expectation ng hubby kaya ganun yung reaction niya, ang mahalga is Healthy si bby
Magbasa pamomsh, san kapo disappointed sa gender ng baby mo o sa husband mo? It seems kasi na pati ikaw ay disappointed sa baby mo. please dont make your baby feel na failure sya through that disappointment kasi still bless ka pa din to have a child. Some just don't even if they try. Don't ride along sa disappointment ni hubby, talk to him. if it hurts you he needs to know and if he loves you really building a family with you is more important than the gender.
Magbasa paFirst baby din namin ng hubby ko. And expected, gusto talaga nya ng baby boy. Pero sabi nya, kahit anong ibigay sa amin ng Diyos, open arms daw dapat naming tanggapin. And ngayon nga eh, baby girl ang pinagbubuntis ko. Akala ko madidismaya sya. Pero hindi. Tanggap daw nya kung ano ang ibibigay sa amin. Marami pa na man daw next time. Hehe. And mind you mumsh, mas excited pa syang mamili ng gamit ng baby girl namin. I am just thankful with my husband 😍
Magbasa paNauna po expectation ni hubby nyo. But I know po na once nakita nya baby nyo, mawawala yang disappointment nya. Basta na lang nya mafifeel yung love naturally kasi anak nyo po yan e. Galing sa inyo yan. Kami naman no hubby we were hoping for a girl then. Nung nagpaultrasound nko, baby boy sya. And you know what, we felt really happy pa din kahit di kami napagbigyan kaso the fact na we were given a baby, it's the greatest gift already.🙏
Magbasa paLahat ng nkka Kita sakin cnsb girl dw anak ko. Pero nung nagpa ultrasound kmi ni hubby baby boy sya. Naiyak ako . Hnd ko Alam Kung dahil sa tuwa or sa lungkot kase gusto Ng hubby ko e girl. Un din kase Alam nmin. Pero tinanong ko hubby ko Kung okay lng ba sya sa boy, feeling ko mejo disappointed sya sa gender. Pero ngayon masaya nman sya bsta dw healthy si baby okay lng kht ano gender.. 3weeks na lng due date ko na. Xcited na kmi sa pag labas nya.
Magbasa paMagiiba din po yan mommy pag lumabas na si Baby. Ako din po gusto ko ng boy. Kaya pag kinakausap ko sya or nagppray ako, may part na gusto ko syang tawaging baby boy or hilingin kay God na sana baby boy. Pero naguiguilty ako, baka mafeel ni baby na ayaw ko sya pag babae sya. Sabi naman ng ibang mommies, lahat ng problems , disappointment or any negative feeling mawawala nang parang bula pag nakita na natin anak natin :)) Wag ka ng sad mommy. :)
Magbasa paDapat nga po maging thankful sya, kase yung iba 'di biniyayaan magka anak. Kausapin mo po sya. Ipaintindi mo sa kanya. Hindi dapat nya isipin yung kung ano sa mga kapatid nya e daapt ganun din sa kanya. Ang kitid naman magagalit talaga ako kung ako ikaw. Ambabaw ng lalakeng 'yan. No offense, madadaan pa din sa usapan 'yan. Or reverse psychology is the best key. Basta mamsh, be positive lang. Mas importante si baby kesa sa kanya. Yun na lang...
Magbasa paang immature naman po . Sa amin po ng hubby ko baby girl ang gusto nya pero nung nalaman niya na baby boy medyo na disappoint sya pero nung lumabas baby namin naging hands on siya. Ni ayaw na nyang alisin sa tabi nya . Be thankful na lang po kayo . Kawawa naman po si baby kung ganyan na inaayawan siya. Kausapin mo po hubby mo. kung di nya kayang tanggapin yung gender ng baby nyo. Hindi po siya deserving para po maging ama at maging asawa sainyo.
Magbasa paAko ganyan sa panganay, kahit unexpected pregnancy siya. Still hoping ako noon na girl. Para may madadamitan ako, maartehan ganun. Pero nung nagpa-ultra na kami, grabe disappointment ko nun, naiyak talaga ako. Til lumabas si baby after a few days ko pa natanggap at narealize na bigay siya ni God. Healthy baby, kaya happy na din. Now etong 2nd ko girl na, so happy na ako kasi qouta na ako. At may kuya siya na magtatanggol sakanya.
Magbasa pamas nakaka disappoint ung hubby nyo..karamihan ng mga lalaki gusto naman tlaga lalaki ang panganay pero pag ganyan sa reaction ng asawa mo na to the point na makikipalitan pa sa ate nya ang sakit na biro naman nun..lam mo momsh ma fefeel ng baby mo sa loob na parang unwanted sya dapat pagusapan nyo ng asawa nyo yan buti nga may blessing na binigay sa inyo wag na choosy ung iba nga di magkaanak..ungrateful ng asawa mo pweh
Magbasa pa


Saudi's Mom❤️