Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magiiba din po yan mommy pag lumabas na si Baby. Ako din po gusto ko ng boy. Kaya pag kinakausap ko sya or nagppray ako, may part na gusto ko syang tawaging baby boy or hilingin kay God na sana baby boy. Pero naguiguilty ako, baka mafeel ni baby na ayaw ko sya pag babae sya. Sabi naman ng ibang mommies, lahat ng problems , disappointment or any negative feeling mawawala nang parang bula pag nakita na natin anak natin :)) Wag ka ng sad mommy. :)

Magbasa pa