Privacy PolicyCommunity GuidelinesSitemap HTML
Download our free app
Mother of 1 curious superhero
Calcium Carbonate
Goos day mga mamsh. Okay lang ba uminom ng calcium carbonate even after giving birth? Sobrang dami ko kasing ganito. At nasasayangan na man akpng idispose. Thanks
Rashes
Ano po ba magandang soap para kay baby? Zwitsal kasi ang gamit ko. Di yata sya hiyang kasi maraming mga rashes ang tumutubo sa kanya. Ano kaya magandang ipalit?
Wala akong gatas ?
Hi mga mommies. Ano po ang effective na pang lactating? Kapapanganak ko lang nung Dec. 5 at until now wala pa rin lumalabas na gatas sa dede ko. Gustong'gusto ko ibreastfeed si baby. Pero wala talagang ni patak na lumalabas. As in wala. Ano kaya ang effective way para magkaroon ng gatas? Please pa advice na man. Ps. 2nd baby ko na ito. Yung panganay ko eh breastfeed. But it is almost 10 years ago na. Sobrang layo ng gap nila kay baka isa yun sa dahilan kaya walang lumalabas na gatas sa akin. Thank you.
Namumula
Hi mga momshies. Normal lang ba sa mga new born babies ang sobrang pamumula ng mukha. At yung mata namamaga? Please pasagot po.
2nd baby but parang first timer ?
Hi mga sis. Pa advice na man. I am 39 weeks preggy na. So malapit na talaga sya lumabas. Pero minsan natatakot ako kasi di sya masyado magalaw. Tapos sumasakit ang tiyan ko pero nawawala na man agad. Yung vagina ko din minsan sumasakit. Yes ikalawa ko na itong anak. Pero ang panganay ko eh almost 10 yeard old na. Medyo nakalimutan ko na ang magbuntis at mga symptoms sa panganganak. Normal lang ba yung mga naramdaman ko? Kasi parang di na man ako ganito nung sa unang anak ko. Thank you sa mga sasagot.
Hemorrhoids in Pregnancy
Hi mommies. Ask ko lang sana kung sino ang nakatry na magkaroon ng almoranas sa pagbubuntis? At ano ang ginawa nyo para gumaling. Sobrang sakit kasi at nahihirapan talaga akong umupo. Ps. I'm still working as a office staff. And most pf the time, nakaupo ako. Please help me kung ano ang mga remedy para dito. Thank you
Di sya magalaw
26 weeks na ang baby ko sa tiyan. Pero napansin ko na di po talaga sya malikot. Minimal lang yung mga galaw nya. At pag gumalaw na man, masakit. Okay lang ba yun? Sa first baby ko kasi, sobrang likot. Pareho silang babae.
White Blood Cells
Good day po sa lahat ng mga mommies out there. Ask lang po sana, I am 6 months pregnant. From 5 months pa yung tiyan ko, napansin ko na na nagdidischarge ako ng white blood. Di sya normal sa akin kasi medyo may karamihan. And everyday po talaga sya. Kahit nga kakatapos ko lang maligo, may lumalabas talaga na white blood. Nagmamantsa talaga sya sa undies ko. Para akong nag oorgasm sa dami. Di na man sya mabaho. Meron bang nakatry nito dito? Ask ko lang sana kung normal ito. Sa first baby ko kasi, di ko natry. Ps. Di kami active ng partnet ko sa sex. So I don't know kung factor po ba yun. Thank you.