Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Hahaha. Sabihin mo sa kanya sperm nag a-indentify ng gender ni baby. Kasi X na yung chromosomes natin so sperm nya bahala kung X-X(girl) ang ipapartner nya or X-Y(boy). Kaloka sya. Charot lang mommy. Pero kapag nakita na nya si baby panigurado namang mamahalin nya din. Basta just give him time. Dapat may quality time din sila ni baby para magkaroon sila attachments sa isa't isa. Praying for your safe delivery. Wala naman kasi tayong control sa gender ni baby eh.

Magbasa pa