Gender Disappointment

Ask ko lang mga mommies, ako lang ba dito yung nalungkot after ko malaman yung gender ng baby? Gustong gusto po kase ng husband ko ng baby boy, and lagi nya sinasabi na sya hands on sya kay baby if boy. Lahat ng kapatid nya na apat, puro boy panganay, sya lang naiiba, panganay namin girl. Nallungkot lang ako mga mommies kase kitang kita ko yung disappointment ng hubby ko nung sabihin ni doc na 90% girl baby namin. Nagmsg pa si hubby sa ate nya kung pede palit nalang daw sila ng baby, kanya yung boy kay ate nya ung girl namin. Masakit para saakin na first time mom rin, kase gusto ko lang makitang masaya din si hubby para sa amin ni baby.. Ako as mom, wala akong ibang prayer kundi healthy and strong baby para sa amin. Mga mommy penge naman advice, pano ma cope ung gender Disappointment? ? Thank u

773 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Grabe naman si hubby mo. Ako naman momsh gusto ko sana girl hehe pero kahit ano as long as healthy tanggap ko at ready ako. Si hubby naman tinatanong ko kung anong gender mas prefer nya sa first born namin, di nya naman sinasagot kung boy o girl. Sabi nya lang, basta healthy kahit ano pa gender ni baby ok na ok sa kanya. Siguro isip ka na lang ng name ni baby girl? Para maexcite ka and madivert attention mo. Pag andyan na yan baka ok na sa asawa mo☺️

Magbasa pa