halaa.. Im so sorry to hear that, mommy. first, valid po ang emotions nyo. siguro wag nyo nalang po sila replyan muna para di na po humaba mga sasabihin nila tutal nasa puder ka na po ng asawa mo. ang mahalaga mommy, ginagampanan ng asawa mo ang responsibilidad nya sa inyong magina, hindi kayo tinalikuran kahit mahirap po sila at napagsasalitaan ng di maganda ng parents mo. Ienjoy mo po mommy na magkakasama na kayong magaama ngayon 🤗 and sa parents mo po, masakit po ang nasasabi at ginagawa nila. pero dahil po yun sa pagmamahal nila sayo at sa apo nila, syempre po bilang magulang ayaw natin nakkitang nahihirapan anak natin di ba? pero hindi rin po ibig sabihin ay tama po na ilayo nila ang baby mo sa papa nya at maliitin ito. wag nalang po kayo makipagsagutan para wala na po sila madagdag sa sasabihin nila tutal di na rin naman po nila kayo makkita araw araw o madalas. pray po tayo, mommy. magiging okay din po ang lahat✨
Anonymous