Personal question. Sana matulungan niyo po ako
Hi, May asawa't anak na po ako at don pa po ako nakatira sa magulang ko dahil yong papa ng anak ko is nagtratrabaho po sa ibang lugar. Maliit lang kinikita niya at sapat lang sa needs ng baby namin tapos may utang pa po kaming hinuhulugan dahil nong nagpabinyag po kami. Nag uuwi naman siya ng ulam namin pag may sobra sa pera kung minsan naman po ay wala. Pero lately kada pupunta siya don si mama at papa ko iba ang kinikilos sa kanya di siya pinapansin at dinadabugan pa. Sa nakikita ko po kasi is gusto nila mailayo ang loob ng baby ko sa papa niya dahil kapag tatawag eto sa video call palagi nilang kinukuha kada ka video call na niya si papa niya. Etong isang araw pumunta kami sa bahay ng byanan ko kong nasaan nakatira si mister ko pag uwi namin sa amin sinabi ng mama at papa ko na Hindi kami kayang buhayin ng asawa ko. Hanggang minura nila eto pero nanatili kaming tahimik kaya si asawa ko ngayon kinuha nalang kami dinala nalang kami dito sa kanila. Tapos kagabi pinag te-text nila ako ng kong ano ano. Pinagmumura, sinabihan ng bobo. 😢 Honestly masakit sa part ko na minamaliit lang nila ang asawa ko dahil sa mahirap lang din ang pamilya neto lalo na dati sa pamamanhikan ang dala nila is kakanin at pansit ang sabi ng pamilya ko pampatay daw ang dinala nila 😭. Can someone give me an advice kasi sa tutuusin parang sasabog na po ako sa sama ng loob gusto kong umiyak pero ayaw ko ipkita sa ibang tao lalo sa pamilya ng asawa ko na ganon na ang nagyayari samin.



