Naiiyak ako sa ganito.
Di ko mapigilan maisip yung bf ko na tatay ng anak ko.
Oo pinaninindigan nya yung anak nya sakin, lahat ng suporta binibigay nya. Eto malapit na lumabas si baby.
Okay naman kami eh, July ng malaman kong buntis ako. August nagcelebrate pa kami ng anniv namin pero simple nalang kase maselan pagbubuntis ko, september october okay pa kami nagchecheck in pa nga eh. Pagdating ng November umuwi sya ng province nakakaramdam ako ng mali tinanong ko sya pinilit ko syang sumagot sa akin kung "Mahal pa ba nya ako" ang sagot nya "Manhid kaba?" Sabi ko "hindi, ramdam ko naman na di mo na ko mahal dati pa" sabi nya "yun naman pala eh"
Ang sakit lang kase dati pinangakuan nya ko ng maayos na pamilya although nagusap na kami na wala munang kasal kase aantayin nya muna kuya nya na maunang ikasal.
Nangako sya na kami lang ni baby pag nabuntis ako. Then isang araw nalaman ko nalang na buntis na ako tapos eto ganito okay lang kami dahil ng bata. Nakakalungkot pero ayos lang kase kahit papano iniisip nya yung anak nya.
Nagusap kami, kinausap ko sya. Baka naman pwedeng subukan natin ulet magsama tayo pagkapanganak ko subukan lang natin baka bumalik yang pesteng pagmamahal na yan. Umoo naman sya, susubukan namin pero di na ako umaasa π’
Ni halik sa labi di ko na magawa sakanya ngayon lagi lang sa pisngi pag magkikita kami.