???

'ASAWA NA LANG' Asawa mo nga ako pero hindi naman ako ang nagpapasaya sayo. Hindi na ako ang dahilan ng mga ngiti. Kadalasan pa nga ako ang dahilan kung bakit umiinit ang ulo mo. ? Asawa mo nga ako pero hindi naman ako ang dahilan ng pag papapogi mo. Ok lang kung para sa sarili mo kahit hindi na para sa akin, kaso mukhang para sa ibang tao. Asawa mo nga ako pero palagi ka namang galit sa akin, ni hindi man lang tayo nakakapagusap ng maayos pero iniintindi ko na lang. Asawa mo nga ako pero hindi ako ang gusto mong kachat. Kunsabagay wala naman ako kwenta kausap madalas pa nga pag naguusap tayo nauuwi sa pikunan. Asawa mo nga ako pero hindi ko manlang mahawakan ang cellphone mo. Kadalasan galit ka pa pag hinihiram ko kahit nagpapaalam naman ako. ? Asawa mo nga ako pero wala akong pictures sa phone mo, minsan pa nga pinipilit pa kitang magpa picture tayo para magkaroon ako ng picture kasama ka sa cellphone mo. Asawa mo nga ako pero hindi ako ang gusto mong kunan ng stolen shot sa cellphone mo ? hindi ako ang gusto mong tingnan at titigan palagi. Hindi mo nga napansin na nagpagupit ako... na nagpapaganda ako para sayo... na hindi na ako kumakain para hindi na tumaba at maging kaakit akit na ulit sa paningin mo. At baka sakali na pag nag upload ako ng pictures ko mag comment ka na din sa pictures ko at hindi sa ibang babae nang "ang cute mo naman" na "ang ganda naman ng misis ko" na "wow nakakagigil naman ng misis ko" Kunsabagay hindi na ako katulad dati. Ang laki na ng pinagbago ng itsura ko lalo na ng katawan ko. Ilan lang yan sa mga bagay na kinatatampo ko sayo. Kaya nitong mga nakaraang araw ay nadistansya ako. Ang dating "Asawa ko" ngayon ay "Asawa na lang". Tanong ko lang SINO NGA BA ANG DAHILAN NG IYONG PAGBABAGO? ? Asawa na lang... Ctto

18 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Naiiyak ako sa ganito. Di ko mapigilan maisip yung bf ko na tatay ng anak ko. Oo pinaninindigan nya yung anak nya sakin, lahat ng suporta binibigay nya. Eto malapit na lumabas si baby. Okay naman kami eh, July ng malaman kong buntis ako. August nagcelebrate pa kami ng anniv namin pero simple nalang kase maselan pagbubuntis ko, september october okay pa kami nagchecheck in pa nga eh. Pagdating ng November umuwi sya ng province nakakaramdam ako ng mali tinanong ko sya pinilit ko syang sumagot sa akin kung "Mahal pa ba nya ako" ang sagot nya "Manhid kaba?" Sabi ko "hindi, ramdam ko naman na di mo na ko mahal dati pa" sabi nya "yun naman pala eh" Ang sakit lang kase dati pinangakuan nya ko ng maayos na pamilya although nagusap na kami na wala munang kasal kase aantayin nya muna kuya nya na maunang ikasal. Nangako sya na kami lang ni baby pag nabuntis ako. Then isang araw nalaman ko nalang na buntis na ako tapos eto ganito okay lang kami dahil ng bata. Nakakalungkot pero ayos lang kase kahit papano iniisip nya yung anak nya. Nagusap kami, kinausap ko sya. Baka naman pwedeng subukan natin ulet magsama tayo pagkapanganak ko subukan lang natin baka bumalik yang pesteng pagmamahal na yan. Umoo naman sya, susubukan namin pero di na ako umaasa ๐Ÿ˜ข Ni halik sa labi di ko na magawa sakanya ngayon lagi lang sa pisngi pag magkikita kami.

Magbasa pa

hays ansaket naman ng ganyan.. masakit pero kelangan tanggapin at kung sakali man magpakatatag nlng para ke baby.. mas magpaganda tayo hanggang sa maglaway sila at maisip nila mga pagkakamali nila.. pero lahat ng un ndi lang para mapansin nila tayo kundi para nrin sa sarili ntn, dapat mas mahalin natin sarili ntn.

Magbasa pa

Dumistanxa ka muna pero sikapin mo ayusin sarili mo sis.. Wag ka pa loxang, though masakit tlga ang gnyang situation pero need mo lumaban๐Ÿ˜Š in time.. Ul thank urself.. Be pretty for you, be happy for you and have peace of mind.

VIP Member

relate much..ung ikw ung priority nya dati..tz isang iglap nlng ng bago lahat..lumilipas ung araw kahit isang text or twag sa knya..wala..laban LNG sis..kaya mu yan..๐Ÿ’ช๐Ÿ’ช

masakit super ๐Ÿ˜ญ(kahit wala akong asawa, ) walang babaeng dapat tinatrato ng ganito,.

VIP Member

Nkakalungkot pero true๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ˜ฅ๐Ÿ’”๐Ÿ’”๐Ÿ’”

Nakakaiyak naman, medyo relate ako momshie.

ang sakit sa puso ๐Ÿ’”๐Ÿ˜ญ

๐Ÿ˜ญ๐Ÿ˜ญ ramdam kita mamsh

๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข๐Ÿ˜ข