Bukod vs motor

Asawa mong kayang magtipid para sa motor nya pangbili ng mga pangpapogi mga pyesa pero kapag dating sa pag iipon pangbukod dami sinasabi πŸ˜” Sana yung motor nalang pinakasalan at pinangkuan nya ng magandang buhay πŸ˜” Sabi nya sakin dati mas makakatipid kami kapag may motor na kami kasi sa pamasahe pinaikot ikot lang ako para payagan ko sya bumili ng motor naisip ko rin kasi madalas ako mamalengke kaya tipid mahal kasi pamasahe dito samin papuntang palengke. Tapos ngayon bawat utos ko sa kanya bawat pahatid ko sa kanya pinapabayaran nya ko pamasahe ko daw. Nalukungkot po ako na bakit nung kinasal kami nag iba ang lahat ugali nya pakikisama nya sakin. Naglive in naman kami for 1year ok ang lahat akala ko sapat na yung 1year para mas makilala ko sya.nasabi ko sa sarili ko nun nasa tamang tao na ko may future magiging anak ko dito kasi mabait,maalaga dedicated sa trabaho mahal ako at sa lahat may pangarap. Pero nung kinasal kami at nabuntis ako dito nya ko pinatira sa bahay nila at dun nagbago lahat nakuha nya lahat ng luho nya hanggang sa nag iba na ugali nya palagi na kami nag aaway kasi puro barkada na sya lalo na nagkamotor sya may kasama naman daw ako dito sa bahay masarap daw buhay ko.kung alam lang nya hirap ko dito sa kanila tuwing magsasalita kasi ako sa kanya palagi nya ko sinasabihan na maarte daw ako tapos hahanapan ka pa ng pera pero dati sasabihin nya kumain ka ng kumain ang pera kikitain yan pero kapag nagkasakit ka mahirap.ngayon wala sasabihin nya ang gastos nyo sa pagkain eh gamit lang naman ng anak namin binibili ko hindi po kasi ako makapag breasfeed dahil sa inverted nipple ako wag po kayong mag alala dahil pati pedia at mga nurse sumuko sa dede ko kaya hospital palang formula na si baby ko

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Nagseselos ka sa motor ni hubby momsh. Di nya mafeel ang importance ng pagbukod kase asa kanila lang sya. Kumbaga asa comfort zone nya sya. Pag usapan nyo po yan bago pa lumaki. Pagmag asawa na mas okay po talagang may sarili kayong bahay para mas makakilos kayo ng maayus at di kayo mapapakealaman. iheart to heart talk mo si hubby momsh. Lalo’t pandemic ngayon. Dapat future ang iniisip di ang paporma.

Magbasa pa