motor

Meron rin po ba dito na may mga partner na sobrang mahal na mahal yung motor nila? Yung boyfriend ko po kasi laging may pera para sa motor hanggang ngayon wala pa po kaming ipon talaga para sa baby namin. 5 months na po ako ngayon and pakiramdam ko ako lang ang excited mag ipon para sa gamit at delivery ng baby namin. Nag oot pa ako sa trabaho para may pandagdag at para masure ko na quality mabibili kong gamit para kay baby. Sya pagkasahod diretso agad sa shop papalit ng accessories ng motor. Alam ko naman po at naiintindihin ko yung love nya para sa motor nya. Ever since bago pa man din ako mabuntis, parang mas mahal nya pa talaga motor nya kesa sa akin. Medyo sumasama na ang loob ko na medyo nalulungkot ako na hindi ko makita na excited sya sa baby namin. Di ko alam kung nafifeel ko lang ba to dahil dapat yun ang maramdaman ko sa pinapakita nya o dahil nadadala lang ako ng emotions ko kasi buntis ako ?

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Maalaga din yung asawa ko sa motor nya, mag 5 years na pero parang bago parin, although parehas kaming may motor. Pero may disiplina parin sya, when it comes to our expenses, hinihingi nya muna opinion ko bago sya bumili ng mga bagay2 , sa motor man nya o para saknya. Kahit mahal nya motor nya mas priority parin nya kme ni baby, he make sure na nd dpat mabawasan ung savings nmin monthly para sa panga2nak ko. Hindi lang dahil sa hormones bakit sumasma ang loob mo sis,kahit naman kasi sino sasma ang loob qng mas priority pa ng asawa nila ang motor kesa sakanila ng baby nila. Kausapin mo sya about jan and make him understand na need nya muna iprioritize ung panganganak mo kesa sa mortor nya.

Magbasa pa

Asawa ko ganyan kahit nung mag bf/gf kame..Minsan nga bumibili pa yan ng ibng motor ng di ko alam pag uwi ng bahay may bago nanaman kameng motor.. magugulat nlang ako pero okay lang saakin.. kc nung nagbuntis ako at nanganak hanggang ngayon, di naman sya pabaya at iresponsable sa pera lalo na kung para sa amin ng anak nya.. Siguro kausapin mo ng maayos asawa mo.. para malaman nya ung ganyang pakiramdam mo. Nsa mag asawa padin kung paano nila maaayos at mahandle ang mga bagay bagay.. Ako wala akong problema sa ganoong luho ng asawa ko, as long as he can provide all the needs of our family..alam ko kc kung kelan sya lilimitahan at pagsasabihan.. Kaya kung ako sayo kausapin mo partner mo..

Magbasa pa

I voice out mo sis,ipapaintindi mo s knya,tanungin mo kong anu b tlga kau s buhay nya,bkit ganyan lagi,puro nlang motor iniintindi nya,

Sa asawa ko hilig motor pero mas inuuna nya needs namen kesa sa motor nya