Ayaw patalo
Share ko lang yung partner ko gustong gusto nya kasi nadun nalang kami sa kanila tumira eh ayaw ko naman kasi nga mas iniisip ko magiging lagay namin dun lalo na hindi pa ako pwede magtrabaho. Nung hindi pa ako buntis sakin na sya madalas manghingi ng budget nya or pangbili ng mga gamit o pang ayos nya sa motor nya so it means na yung sinasahod nya ay kulang pa para sa kanya so ano nalang mangyari samin lalo na kay baby kung dun kami titira knowing na ang mahal ng gastusin ngayon lalo na sa mga kailangan ni baby? Ngayon nga lang pong buntis ako ni hindi sya nakakapagbigay ng pang gastos ko kahit sa gamit nalang ni baby knowing na 36weeks na ako ako lahat lahat gumastos ang tanging usapan lang namin is yung share nya sa pangbayad sa panganganak ko eh hindi na din ako masyado umaasa na makakapagbigay sya. Ayaw nya naman dito sa bahay tumira kasi nakakahiya daw dito. Sinabi ko naman sa kanya lahat ng kailangan namin nandito na wala na kami poproblemahin kaso mas gusto nya talaga na dun kami sa kanila titira eh. Ano pa po kaya pwede ko sabihin para maconvice sya na mas better para kay baby na dito nalang kami tumira ng hindi sumasama ang loob nya #advicepls #sharingiscaring #partnerproblems #TeamOctober #FTM