Ansakit sakit

Ansakit sakit pala kapag nakikita mong may iba na ex mo. Na ngayon mo lng narerealize na sana sya naging tatay ng baby mo ngayon. Na sana di mo sya pinagpalit sa iba. Mahirap pala tanggapin kapag alam mong di mo na kaya ibalik ang lahat sa dati na masaya kayo dati na magkasama kayo. Ngayon sa iba na n'ya mararamdaman un. Yung dati ikaw nagpapasaya sa kanya. Ikaw nag aalaga sa kanya. Iba na magbbgay sa kanya non. Lalo pa naiisip mo na magkakaanak din sya, sa iba lng. Parang gusto mong lumubog sa lupa dahil naiisip mong mali ka ng pinili noon. Ang hirap. Andaming pagsisisi. 😢😢

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Isipin mo na lang na lahat ng bagay ay plano ng Diyos,may mas maganda siyang plano para sa iyo. Ang baby mo ngayon ang isa sa magagandang plans ni Lord para sayo. Huwag ka na pong manghinayang pa sa ex mo. Ngayon lang po yan lilipas din po yan. Ang importante ang baby mo sis. Yakapin ng mahigpit si baby at magpray po kayo pag nakakaramdam po kayo ng panghihinayang. God bless you po.

Magbasa pa

Well s*** happens talaga. Move forward na girl wla na Tayo magagawa sa nangyari na. . I appreciate mo na Lang Kung ano Yung magagandang bagay na meron ka ngayon at wag mo na balikan mga bagay na wla kna magagawa. Sarili mo na lng pinapahirapan mo..