byenan
anong ugali ng byenan mo ang pinakaayaw at gusto mo?
Anonymous
221 Replies
Latest
Recommended

Magsulat ng reply
Hindi kami close ng inlaws ko, especially the malditang hipag. Si MIL, civil lang kami sa isa't isa. Hindi naman nya ako pinapakitaan ng masamang ugali nya, paano ay hindi naman nya ako kinakausap. 😁 Actually, 3 years na akong hindi natapak sa bakuran nila. Pinakaayaw ko sa ugali nya? Yung may favoritism. Si younger brother favorite ni MIL, si hipag fave ni FIL. Si hubby? Favorite ng parents ko. 😁 Noon pa man, dedma na si hubby sa kanila. Kahit pa si hubby ang pinakamasipag at pinakamabait na anak. Parang hangin lang na dumaraan sa harapan nila. Sinabi nya yan sa mga parents ko dahil sa sama ng loob. At ngayon napapansin na nila si hubby KAPAG may kailangan sila. 🙄🙄🙄
Magbasa paTrending na Tanong
Hoping for a child