Bawal daw sumigaw...
So...ano'ng paulit-ulit mong iniisip habang nagle-labor?


eeeeeeeee hoooo hooo ahhhouch ng impit tuwing hihilab papaGod sana matapos na to..eeeee...hahahaha GOSSSHH naalala ko nanaman grabehan talaga yung 21 hours active labor unli i.e. tapos biglang ecs kasi ayaw bumaba ni baby kahit fully dilated na potek hahaha sorry for the word pero grabiiiiii nakakatrauma😂 pero worth it nung andyan na ang aking healthy baby. Ang baba kasi ng pain tolerance ko, sana all mataas pain tolerance. Kaya only child na ata ituuu hahaha. Buti napakaswerte ko sa asawa ko todo asikaso samin mag ina at naappreciate nya yung hirap kasi kita naman nya😂 Let's appreciate all mommas, super strong talaga💪
Magbasa paDalawang araw akong nag-labor sa bunso ko. Awang awa sakin asawa ko nung nandito pa lang kami sa bahay. Gusto ko kase pag dinala ako sa lying in, 8-9cm na para saglit na lang waiting time. Hiyaw kung hiyaw sa sakit. Nakatae sa loob ng tiyan ko si baby kase nastressed na sa tagal ng labor. pareho kaming nag-antibiotic. buti na lang walang complications. may namamatay daw kase sa ganun. yung tita ko sa ganun namatay. nalason sa poops ng baby na nakatae sa loob ng tiyan nya. Thank God at ginabayan at hindi nya kami pinabayaan.
Magbasa paIniisip ko ung safety namen ni baby. habang nagppray na sana kayanin ko at saglit ko lang maramdaman ung sakit at hndi ako maCS dahil mataas bp ko habang in pain. 4hours lang labor ko sa awa ni lord. at sobrang baba ni baby at manipis na cervix ko. ung sa pagire lang ako natagalan dahil dko kaya ihold ng matagal ang ire. Hndi ako nahirapan manganak. sa tahi tlga ko natrauma dahil inulit ☹️
Magbasa paAko sumigaw talaga ako di ko na mapigilan dahil na din nabubuweessit ako grabe yung sasabihin kang pigilan mo muna kasi di pa daw oras e gusto na lumabas ng bata , i e ako 6cm pa daw , 6cm taz ilang saglit lang lumabas na ulo. Nagpepray din sa awa ng Diyos ligtas kami dahil nagpoop sya sa loob habang naglalabor may lumabas na tubig may kasamang yellow green na poop ni baby
Magbasa painiisip ko..Kaya natin to baby .🙏sabay ire..kasama na ang prayers ko para samin ni baby ko..at nakaraos din,,after 45 mins na pag ire,,lumabas na si baby..🥰 kahit halos manghina at kulang na lang mawalan kana Ng Malay sa pagod at sa sakit pero worth it Kasi may boy na ako at ngayon girl Naman ..🥰🥰 answered prayer na..🥰🥰
Magbasa paSa 1st child habang naglalabor ng almost 2 days iniisip ko nalang na sana bumuka na yong cervix at ng mkalabas na si baby ng safe. Di ako maingay. Nakasmile pa nga ako e habang yong ate, nanay at mr ko umiiyak na sa kaba. Mataas yong pain tolerance ko. Eventually, na CS parin. Sa 2nd wala ng labor kasi scheduled CS naman na sya.
Magbasa paang iniisip q lang is kung paano q mapalabas agad c baby dahil subrang sakit na at ang dami na pong dugo nawawala sa akin..tapos sabi di pa daw pwde dahil 1 cm pa..kaya nag squat2 nlang aq kahit marami ng dugong nag laglagan sa sahig😔 super hirap ang dinanas q sa first baby ko.
Nsa isip ko na sna lumabas na si baby kasi that time, 3rd day na nmin s hosp at ung mga kasama ko s ward nanganak na at ung iba napalitan n ng new patient. Everytime bblik ako s room, I can see the excitement of my husband kasi akala nya nanganak na ako.
Sa isip-isip ko sabi ko hindi nako magpapagalaw sa asawa ko,. hahahaha 😂 kasi sobrang sakit! As in!! Pero wag ka 8months plang panganay ko buntis ulet ako. Hahahaha 😂 pero tnx god di ako pinahirapan ng bunso ko 😇
Lord be with me.. wag po sna masakit ung catheter.. saka po mkaiyak si baby ng malakas.. iloveyou Lord kayo na po bahala samen ni baby.. 🙏🏼🙏🏼🙏🏼☝️☝️☝️c.s tlga ako kahit na anong gawin..