Bawal daw sumigaw...

So...ano'ng paulit-ulit mong iniisip habang nagle-labor?

Bawal daw sumigaw...
87 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Mailabas ko si baby, healthy and normal, at magdasal. Almost 2hrs ako sa labor room. Hinang hina pa ako that time kasi wala akong tulog magdamag. 7am nasa DR nako then 9am, lumabas na si baby. Single Cordcoil.

Nagdadasal ako habang naglelabor na maging okay kami ni baby at walang mangyari na di maganda sa amin ni baby, sa awa ng diyos nailabas ko ng normal delivery si baby kahit ang laki at tagal ko tinahi.

Praying na in good condition kami ni baby. Nabrief na ako ng mama at biyenan ko na wag sunigaw at i-save ang energy sa pag-ire which ikinatuwa ng OB at nurse sakin.

INIISIP KO NA MATATAPOS DIN YUNG ARAW NA YUN MOMSH 😁 MAILALABAS KO DIN SI BABY ♥️ YUNG HIRAP AT SAKIT MAWAWALA DIN AT MAPAPALITAN NG LIFETIME HAPPINESS 😍

Iniisip ko na dapat galingan ko sa pag ire para makalabas na si baby. Pero hindi talaga mapigilang sumigaw parang bumubuka ng kusa ang bibig ko habang umiire.

VIP Member

iniisip ko na kelangan ko mabuhay para sa anak ko, I'm praying in mind while going thru a very painful labor. Nang lumabas si baby, it was all worth it.

Iniisip ko na dapat malampasan ko to at mailabas ko c baby na safe at healthy.,while praying na bigyan na tulungan ako nang Diyos na magkahangin.

VIP Member

"KAYA KO TO. Kaya nila kaya ko din". Nilalagnat na kasi ako nun. May hypokalemia din ako nun. 16 hrs akong naglelabor. Pagod na pagod na.

17 hrs ang nag labor ang iniisip ko nalang makakaraos narin ako and makikita ko na baby ko kaya kailangan ko galingan sa pag ire

yung pain. lagi kong iniisip yung pagdaan ng pain tapos mawawala tapos babalik. di ko mokontrol pagsigaw ko kasi sobrang sakit